UMINIT ang ulo kasabay ng panahon, isang barangay tanod ang sinaksak ang kaalitan sa kahabaan ng trapiko ng mga sasakyan sa Bgy. San Patricio, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 27 Abril.
Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, na si Russel Pante, 47 anyos, may asawa, tanod ng Brgy. San Patricio, sa nabanggit na bayan.
Samantala, kinilala ang biktimang si Eliazar Guiao, 40 anyos, may asawa, magsasaka, residente rin sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng Mexico Municipal Police Station, bandang 6:00 pm nang maganap ang insidente sa Sitio Minangun, sakop ng nasabing barangay habang kasagsagan ang bigat ng trapiko sanhi ng mahabang pila ng mga dumaraang sasakyan.
Nagkaroon umano ng hindi pagkaunawaan ang suspek at ang biktima na nauwi sa matinding pagtatalo na nagresulta sa pananaksak ng una sa huli.
Mabilis na itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima upang malapatan ng agarang lunas na ngayon ay nagpapagaling na sa mga pinsala sa katawan.
Dinakma at pinosasan ng mga Bantay Bayan ng kanilang barangay ang suspek at isinuko sa Mexico MPS.
Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng himpilan ng pulisya.
“This is a clear manifestation of strong police-community partnership where we can count on our citizens in helping address crimes. We continue to solicit their support and be our ears and eyes in the communities,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …