Kinalap ni Mary Ann G Mangalindan
ANG utak ay tinaguriang control center of your body.
Ito ang pinakamahalagang organ sa ating katawan na in-charge para mapanatiling tumitibok ang ating puso, paghinga ng ating baga, at makagalaw ang ating katawan, sakop din ng utak ang function ng ating pakiramdam. Kaya mahalaga ang papel ng ating utak sa ating buong katawan.
Mahalagang bigyan ng sapat na nutrisyon ang ating utak, upang maging healthy, matalas ang pag-iisip at concentration.
Narito ang top 11 na pagkain na tumutulong para ma-improve ang cognitive skills at maiwasan ang memory loss gayondin ang Alzheimer’s disease:
- Fatty fish – mayaman sa Omega-3s na nakatutulong para maging matalas ang memorya at maprotektahan ang utak laban sa pagiging makalilimutin. Ang pagkain ng baked o boiled fish araw-araw ay magkakaroon ng gray matter sa utak: ang gray matter ay nerve cells na kumokontrol sa decision making, memory, at emotion.
- Coffee – ang caffeine ay mayroong antioxidants na nagbo-boost ng alertness at mood na maaaring magbigay ng proteksiyon laban sa Alzheimer’s. Ang pag-inom ng kape sa mahabang panahon ay nagbabawas ng risk sa neurological diseases, gaya ng Alzheimer’s at Parkinson’s.
- Blueberries – punong-puno ng antioxidant ang blueberry na nakatutulong upang maiwasan ang brain aging at nagpapahusay lalo sa memory. Napag-alaman na mabisa rin ang blueberry sa brain cells ng tao.
- Turmeric – may sangkap itong curcumin na mayroong strong anti-inflammatory at antioxidant benefits, na nagbibigay tulong sa utak. Ang curcumin ay direktang pumapasok sa utak at nagbibigay benefits sa cells. Ayon sa ilang pag-aaral nakapagre-reduce ito ng mga symptoms of depression at Alzheimer’s disease.
- Broccoli – ito ay mayaman sa antioxidant at anti-inflammatory effects tulad ng Vitamin K. Mabisa para sa pagpapatalas ng memory lalo ng senior citizens. Ang broccoli ay mayroong fat soluble vitamin na essential para sa pagbuo ng sphingolipids, isang uri ng fats sa brain cells.
- Pumpkin seeds – ang buto ng kalabasa ay mayaman sa iba’t ibang klase ng micronutrients na importante para sa brain function, gaya ng: copper, na tumutulong sa pagkontrol sa nerve signals; iron, upang makaiwas sa brain fog at impaired brain function; magnesium, na essential para sa learning memory; at zinc, na mabisa upang makaiwas sa Alzheimer’s, depression, at Parkinson’s disease.
- Dark Chocolate – ang flavonoids, caffeine, at antioxidant ng chocolate ay nakatutulong sa pagprotekta ng utak. Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng dark chocolate ay maaaring mag-boost ng memory at mood. Ang madalas na pagkonsumo ng chocolate ay tumutulong para magkaroon ng positive feelings.
- Nuts – ang nuts ay mayaman sa iba’t ibang uri ng brain boosting nutrients tulad ng vitamin E, healthy fats, at omega-3 fatty acids. Ang vitamin E ay nagbibigay proteksiyon sa cells membranes laban sa free radicals damage na nagiging sanhi ng pagiging makakalimutin.
- Orange – ang orange at iba pang pagkain na mataas sa vitamin C ay nakatutulong sa utak upang makaiwas sa damage mula sa free radicals. Bukod sa orange, mainam na source of vitamin C rin ang bell peppers, guava, kiwi, kamatis,
- Eggs – mayaman sa iba’t ibang B vitamins at choline, na mahalaga para sa proper brain functions at brain development, gayondin ang pagre-regulate ng mood. Ayon sa pag-aaral ang mataas na intake ng choline ay mainam sa memory at mental function, ang isang egg yolk ay naglalaman ng 112 mg. Mainam ang pag-take ng 425 mg kada araw ng choline para sa mga babae at 550 mg kada araw para sa kalalakihan. Ang vitamin B o folate at B12 ay nakababawas ng age-related mental decline.
- Green Tea – ang tsaa ay mabisang inumin para sa utak. Mayroon itong caffeine content na nagbo-boost ng alertness at ang antioxidants ay mabisang proteksiyon para sa utak. Ang L-theanine ay amino acid na dumaraan sa blood-brain barrier at neurotransmitter na mainam para maiwasan ang anxiety at tumutulong din para sa relaxation effects sa utak ng tao.