Kinalap ni Mary Ann G. Mangalindan
ANG normal na kulay ng ihi ay orange to pale yellow to deep amber, ito ay resulta ng urochrome at kung gaano ka-concentrate ang ihi. Ang pigments at iba pang compound sa pagkain at medications ay nagiging sanhi rin ng iba’t ibang kulay ng ihi.
Kadalasan ang kulay ng ihi ay may kaugnayan sa sakit; halimbawa, ang kulay brown, ito ay may porphyria, isang rare condition na inherited disorder sa red blod cells.
Sanhi ng iba’t ibang kulay ng ihi
Ilan sa mga kadahilanan ng ibang kulay ng ihi ay kung may iniinom na gamot, mga pagkain na may food coloring, at kung may ibang sakit. Narito ang mga posibleng kulay ng kulay at sanhi.
RED O PINK – ang mapulang ihi ay hindi naman nangangahulugan na may sakit ang isang tao, may mga factors kung bakit mapula ang ihi gaya ng mga sumusunod:
- Blood– maaaring maging sanhi ng urinary blood o hematuria kasama na ang urinary tract infections, enlarged prostate, cancerous at non-cancerous tumors, kidney cysts, mahabang oras na pagtakbo, at kidney o bladder stone.
- Food – tulad ng beef, blackberries, at rhubarb ay maaaring magresulta sa mapulang ihi.
- Medications – ang Rifampin (Rifadin, Rimactane) ay isang klase ng antibiotic na nagpapagaling sa tuberculosis, at isa sa dahilan ng pagiging reddish orange ng ihi. Maging ang phenazopyridine (Pyridium) isang gamot na nagpapamanhid ng urinary tract discomfort at laxatives na may sangkap na
ORANGE – ang kulay orange na ihi ay maaaring resulta ng mga sumusunod:
- Medication – ang paggamit ng anti-inflammatory drug sulfasalazine (Azulfidine); phenazopyridine (Pyridium); laxatives; at ang pag-inom ng chemotheraphy drugs.
- Medical conditions – maaaring ang kadahilanan ng pagkakaroon ng kulay orange na ihi kung mayroon sakit sa atay o bile duct, lalo na kung ang kulay ng dumi ay light colored. Maging ang dehydration, ay nagpapa-concentrate ng ihi na nagreresulta sa matingkad na kulay orange.
BLUE O GREEN – may pagkakataon na nagkukulay blue o green ang ihi ng isang tao, narito ang ilan sa mga sanhi ang kakaibang kulay ng ihi.
- Dyes – ang mga pagkain na may matingkad na food coloring ay maaaring dahilan ng pagkakaroon ng kulay green na ihi. May ilang dyes din na ginagamit para sa kidney at bladder test na nagreresulta sa kulay blue na ihi.
- Medications – ang ilang ulit na pag-inom ng ilang gamot na may sangkap ng amitriptyline, indomethacin (Indocin, Tivorbex) at propofol (Diprivan) ay nareresulta sa kulay green o blue na ihi.
- Medical condition – ang familial benign hypercalcemia ay isang rare inherited disorder, o kilala rin sa tawag na blue diaper syndrome dahil ang mga bata na may ganitong kondisyon ay may kulay blue na ihi. Nagiging kulay green ang ihi naman kapag naimpeksiyon ang urinary tract sanhi ng pseudomonas bacteria.
DARK BROWN – ang kulay brown na ihi ay resulta ng:
- Food – ang sobrang pagkain ng fava beans, rhubarb o aloe ay nagiging sanhi ng kulay brown na ihi.
- Medication – ang sobrang pag-inom ng mga gamot gaya ng anti-malarial drugs chloroquine at primaquine. Ang antibiotics metronidazole (Flagyl) at nitrofurantoin (Furadantin), laxatives na may kasamang cascara o senna, at methocarbamol na muscle relaxant.
- Medical condition – gaya ng liver, kidney failure, at urinary tract infections ay nagreresulta sa kulay brown na ihi.
- Extreme exercise – ang labis na ehersisyo ay nagiging sanhi ng muscle injury na puwedeng maging dahilan na kulay pink o brown na ihi, at pagkasira ng
CLOUDY O MURKY ay sanhi ng urinary tract infection at kidney stones.
Ano ang panganib ng discolored na ihi?
Ang discolored na ihi ay hindi laging pagkain ang dahilan o medications at medical conditions, may mga ilan pang dahilan kung bakit nagkakaiba ang kulay ng ihi ng isang tao gaya ng:
- Edad – ang tumor sa bladder at kidney ay nagiging dahilan ng blood sa ihi, madalas itong nangyayari sa mga may edad na. Ang mga lalaking edad 50 anyos pataas ay kadalasang may dugo sa pag-ihi dahil sa enlarged prostate.
- Family history – kung may family history sa pag-kakaroon ng sakit sa bato mataas ang posibilidad na ma-develop ang kidney disease o kidney stones at parehas itong sakit na may dugo sa ihi.
- Matinding ehersisyo – ang mga distance runner ay at risk, maging ang mga tao na labis ang pag-eehersisyo ay maaaring magresulta sa urinary bleeding.