SURREY, ENGLAND — Isang notorious drug dealer na nagpanggap bilang si Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor ang hinatulan ng dalawang taon at siyam na buwang pagkakakulong ng korte sa Surrey County sa Southeast England.
Natagpuan ng pulisya ang daan-daang business cards na may pangalang Conor McGregor nang sitahin nila ang 34-anyos na si Mark Nye ng Yeoman Drive sa isang tragic violation sa Stanwell noong 11 Pebrero (ng taong kasalukuyan). Natagpuan din ang mga ilegal na droga na nakatago sa kanyang sasakyan. Agad na inaresto si Nye at sinampahan ng kaso.
Kamakailan, umamin ang akusado sa kanyang kasalanang pag-aari ng ilegal na droga na may intensiyong ibenta ang mga Class A drugs at sa pagmamaneho din habang disqualified at walang insurance.
Ginagamit umano ni Nye ang mga business card na may pangalang Conor McGregor para ipakilala ang sarili bilang ang sikat na UFC star habang nagsasagawa ng pagbebenta ng droga.
Sa kanyang pagkakaaresto, nagbigay si Nye ng palisipkadong impormasyon at detalye at ipinakilala ang sarili bilang Conor. Nakasaad sa kanyang mga business card ang kompanyang ‘McGregor Enterprise’ sa harapan at ‘Best drops in Surrey’ sa likuran.
Hinuli rin ang 34-anyos matapos maaktohang ibinebenta ang Class A drugs gamit ang dalawang mobile phones.
Sa pag-analisa ng dalawang telepono, napagalaman ng pulisya na ang daan-daang mensahe na may kinalaman sa pagbebenta ng droga, habang mayroon din siyang dalang malaking pangtaga sa tabi ng kanyang higaan sa loob ng kanyang sasakyan.
Hinatulan si Nye, malaki ang pagkakahintulad kay McGregor, ng dalawang taon at siyam na buwan ng Guilford Crown Court nitong 9 Abril.
Ikinatuwa ng Surrey Police ang hatol kay Nye at nag-post sila sa Facebook: “Thanks to the work of our proactive drugs teams, we have taken yet another dealer off our streets and prevented Mark from causing further harm to the victims of his crimes.”
“A search of the address Mark was staying at revealed a large amount of boric acid, a cutting agent which is used by dealers to cut drugs and can have serious health implications for users themselves,” wika ng investigating officer na si PC McGill sa isang pahayag matapos ang paglilitis sa akusado. (Kinalap mula sa IrishCentral ni TRACY CABRERA)
Check Also
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …
PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon
HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …