TILA maamong tupa ang dating tigasing akusado na pinaniniwalaang miyembro ng isang criminal gang na sangkot sa serye ng robbery hold-up at pamamaril nang dakmain ng mga awtoridad sa pinaigting na Operation Manhunt Charlie ng PRO3-PNP nitong Lunes, 26 Abril sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, hepe ng Angeles City Police Office, ang akusadong si Robin Sarito, 24 anyos, sinasabing kabilang sa notoryus na criminal gang na sangkot sa serye ng robbery hold-up at insidente ng pamamaril, kabilang sa most wanted, naninirahan sa Sitio 36, Brgy. Cutcut, sa naturang lungsod.
Ayon kay P/Col. Batangan, nagsagawa ng operation Manhunt Charlie ang mga operatiba ng Intelligence Unit, CIDMU, PS2, PS5, Pampanga RIU3, CFU Angeles City at CIDG para isilbi ang warrant of arrest na nilagdaan ni Assisting Judge Ramon Corazon Patibeanco, ng Angeles City RTC Branch 58, may petsang 22 Marso 2021 sa kinasangkutang kasong murder. Walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng akusado.
“The successful arrest was the result of the extensive manhunt and surveillance operations being initiated by combined units to bring fugitives to the folds of justice and answer for the crimes they committed,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …