Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buy bust nauwi sa enkuwentro pusher dedbol sa Cabanatuan

WALANG buhay na bumagsak ang isang hinihinalang tulak nang makipagpalitan ng putok sa mga nakatransaksiyong mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Maj. Barnard Danie Dasugo sa ikinasang drug bust nitong Martes, 27 Abril sa Purok Amihan, Brgy. Barrera, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.
 
Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, na si Chrisford Mendoza, nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na lungsod, walang buhay na bumagsal sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala sa maselang bahagi ng kanyang katawan.
 
Nakuha sa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang paltik na kalibre .45 at magasin na may tatlong bala, 31 pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na 5.1 gramo, nagkakahalaga ng P31,000; dalawang pakete ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may timbang na 10 gramo, nagkakahalaga ng P5,000; isang nakabalot sa aluminum foil ng pinatuyong dahon ng marijuana, at marked money na ginamit sa operasyon.
 
“PNP-PRO3 is continuously invigorating its effort to wipe out all forms of illegal drugs in order to achieve its quest to stop the proliferation of illegal drugs in the region,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …