HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Wala nag buhay nang idating sa Caloocan City North Medical Center (CCNMC) ang suspek na kinilalang si Anlou Resusta, residente sa Phase 8, Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Ayon sa ipinarating na ulat sa opisina ni Caloocan City Police Chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong 5:30 pm.
Naispatan ni P/Cpl. Leobert Rivera ang suspek na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang habang sakay ng isang motorsiklo.
Kaagad na sinita ni PCpl. Rivera si Resusta pero imbes huminto ay biglang pinaharurot ang kanyang minamanehong motorsiklo dahilan upang habulin siya ng pulis.
Nang mapansin ng suspek na hinahabol siya ng pulis, binunot nito ang kanyang baril saka pinaputukan si Cpl. Rivera dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang parak hanggang tamaan sa katawan si Resusta.
Isinugod ang suspek ng mga tauhan ng SS-12 sa Bermudez Hospital pero kalaunan ay inilipat sa Caloocan City North Medical Center kung saan siya idineklarang wala nang buhay.
Nakuha ng mga tauhan ng Northern Police District-Crime Laboratory Office (NPD-CLO) na nagresponde sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng caliber .9mm pistol habang ang Armscor .9mm pistol may magazine at kargado ng limang bala ay nakuha sa napaslang na suspek.
Sinabi ni Col. Mina, inaalam kung may criminal background ang suspek. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …