TIMBOG ang 24-anyos lalaki na tumangay ng motorsiklo ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP), sa Makati City, iniulat kahapon.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Major General Vicente Danao, Jr., ang suspek na si Paul Matthew Tanglao, nasa detention cell ng Taguig City Police.
Inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Law).
Hinuli si Tanglao nitong Sabado, 24 April, habang gumagala sa Cadena de Amor St., Barangay Pembo, Makati City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, tinangay nitong Biyernes, 23 Abril, ang isang Raider Fl 115 na kulay itim habang nakaparada sa harap mismo ng Pinagsama Police Sub-Station 3, kung saan nakadestino ang may-ari ng motor na si P/Major Fernando Carlos.
Natunton ang kinaroroonan ng suspek sa tulong ng confidential informant, kaya agad siyang hinuli ng mga operatiba ng Taguig Police.
“I commend the immediate response made by Taguig City Police Station operatives to apprehend the suspect. Their decisive action is the reason why the suspect was arrested instantly after receiving the report from the confidential informant,” anang NCRPO Director. (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …