Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMDA

2 traffic enforcers suspendido

SINUSPINDE kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, Jr., ang dalawang traffic enforcer na inakusahan ng pangongotong sa motorista nitong 23 Abril 23, Biyernes ng hapon sa Quezon City.
 
Kinilala ang dalawang kawani na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, pawang may permanent status na empleyado ng MMDA.
 
Sinabi ni MMDA Chief, inilagay niya sa 90-day preventive suspension ang dalawa habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon sa mga kasong extortion, grave misconduct, at iba pa na posibleng masibak sa trabaho.
 
Ang pangongotong umano ng dalawa ay nakarating sa kaalaman ni MMDA Chairman kaya agad niya itong inaksiyonan.
 
Binigyan diin ni Abalos, hindi niya kukunsintihin ang mga mali at ilegal na aktibidad ng mga kawani lalo na’t maglalagay ito sa kahihiyan sa pangalan ng ahensiya.
 
Nag-virial sa video sa social media ang insidente ng pangongotong noong 23 Abril, sa pagitan ng 3:00 – 4:00 pm sa EDSA at A. Bonifacio St., na naghahati patungong NLEX.
 
Makikita ang paghingi umano ng P1,000 ng dalawa mula sa complainant kapalit ng hindi pag-iisyu ng violation receipt sa paglabag sa Republic Act 10913, o ang Anti-Distracted Driving Act at Reckless Driving. (JAJA GARCIA)
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …