ABOT-ABOT ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Filipinas sa Pitmaster Foundation dahil sa mga ambulansiya na ibinigay nito sa bawat probinsiya.
Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Pangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP), “kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansiya para magamit sa CoVid patients transport.”
“Isang text lang namin sa Pitmaster, nandiyan na kaagad ang mga ambulansya nila,” dagdag ni Gov. Velasco.
Aniya, “the provinces really appreciate their help. Pitmaster truly cares.”
Nabatid na 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansiya ng Pitmaster foundation.
Walo na ang na-ideliver sa mga lalawigan pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon naman kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang, “we just want to help the government sa kanilang Covid response by bringing patients to hospitals or isolation facilities”.
“The foundation’s mission is to save lives by partnering with the LGUs (local government units),” dagdag ni Ang.