Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libreng talakayan sa akda ni Emilio Jacinto, isasagawa ng KWF sa 30 Abril 

ISASAGAWA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang isang libreng talakayan sa akdang “Pahayag” ng bayaning manunulat na si Emilio Jacinto sa 30 Abril 2021.

Tinatawag ang proyekto na Onlayn Talakayan sa mga Babasahín sa Kulturang Filipino na serye ng mga libreng sesyon sa pagbása at diskusyon. Layon nitóng magpasigla ang kultura ng pagbabasá at pagbabahagi ng kaalaman.

Kinakailangan lámang magpatalâ ang mga kalahok sa https://tinyurl.com/yxhnxkt6. Maaaring magpatalâ hanggang 24 Abril 2021. Pipiliin ng KWF ang  30 kalahok para sa nasabing talakayan.

Ipababása sa mga kalahok ang “Pahayag” at pagkaka­looban ng gabay na video na magpapaunlad sa kanilang danas sa pagbása. Matapos nitó ay lalahok sila sa isasagawang talakayan na gagabayan ng mga kawani ng KWF.

Ang 30 indibidwal na dadalo sa talakayan ay pagkakalooban ng KWF ng sertipiko ng paglahok.

Isang ambag din ang proyekto sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril. Ang paggunita sa kamatayan ni Emilio Jacinto tuwing 16 Abril ang isa sa mga dahilan ng pag­diriwang.

Limandaang Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino ang tema ng pagdiriwang.

Magkakaroon ng ibang talakayan sa mga sumunod na buwan tampok ang iba’t ibang akda ng mga bayaning manunulat ng Filipinas. Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa [email protected], o bumisita sa kwf.gov.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …