Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo at Regine muling magpapakilig

MA-INLOVE muli sa tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil ipalalabas ng ABS-CBN Film Restoration ang digitally restored at remastered version ng 2007 romantic-drama hit mula Star Cinema na Paano Kita Iibigin, simula Abril 27 (Martes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.

Ang Paano Kita Iibigin ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine.  Ito ay mula sa kuwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at idinirehe ni Bb. Joyce Bernal.  

Sundan ang kuwento ni Regine bilang Martee, isang single mother na natanggal sa trabaho at pinalayas sa kanyang munting tahanan habang nakikipag-sapalaran buhayin ang nag-iisa at sakiting anak.

Napagdesisyonan niyang magbakasyon muna sila sa Zambales sa paluging resort na pagmamay-ari ni Lance (Piolo), isang negosyanteng lubhang naapektuhan matapos ang isang malagim na aksidente.

Nabuklod sila sa isa’t isa nang maging manager sa resort si Martee. Madalas man mag-away ang dalawa, ‘di magtatagal ay uusbong ang matamis na pag-iibigan nila dahil handang tulungan ni Martee si Lance na makabangon mula sa kanyang nakaraan.

Mabibili na ang tickets nito sa http://bit.ly/PaanoKitaIibiginOnKTX sa halagang P150.

Magkakaroon din ito ng pre-show kasama sina Piolo, Regine, Eugene Domingo, at manunulat nitong si John Paul Abellera. Kamakailan din ay nag-trending sa Twitter ang remastered na pelikula bago pa ang mismong showing nito.

Maliban sa Paano Kita Iibigin, magpapakilig din ang ilan pang pelikula ni Piolo noon, tulad ng Kahit Isang SaglitTill There Was You,  Milan, at Don’t Give Up on Us simula Abril 28 (Miyerkules) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …