Tuesday , September 10 2024

Pasay city mayor nagpasalamat sa community pantry organizers

PINASALAMATAN ng Pasay City local government unit (LGU) ang may mabubuting kalooban na nagtatayo ng community pantry sa lungsod dahil sa hangarin nilang makatulong sa mga kapos-palad na mga kababayan.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano, ang pagpapakita ng kabutihang loob, tanda na buhay na buhay pa rin sa ating mga Filipino ang diwa ng bayanihan.

Ang bayanihan at pagtulong sa kapwa ay isa sa mga mabubuting ugali na likas sa ating mga Filipino kaya nakatutuwa na muli itong binubuhay sa panahong ito sa pamamagitan ng mga community pantry, para labanan at talunin ang pandemya.

Pakiusap ng alkalde, gawin ito nang may kaayusan at dapat makipag-ugnayan ang mga organizer sa mga barangay kung saan nila ito itatayo.

Bukod sa may kaayusan, dapat ay sundin pa rin ang ipinatutupad na basic health protocols kaya mahalaga ang koordina­syon sa barangay para matulungan silang mapanatili ang kaayusan sa pila.

Pinaalalahanan ang mga organizer na maaari rin silang magtakda ng oras sa umaga at hapon upang malaman ng mga tao kung anong oras sila pupunta.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *