Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Kelot naka-t-shirt ng NBI, misis, pinagbabaril sa Makati City patay

PATAY ang mag-asawa nang pagbabarilin habang nakalulan sa isang kulay puting van, sa Makati City kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya, ang mag-asawang biktima, na sina Bonifacio de Vera, at Remegia De Vera, kapwa sakay ng isang Toyota Hi-Ace van, may plakang ADA 1463.

Pasado 1:00 pm nang mangyari ang pamamaril sa Jupitert St., Makati City.

Inaalam ng mga awtoridad kung may koneksiyon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaking biktima na nakasuot ng itim na jacket may nakasulat na “NBI” habang nakasubsob sa driver seat at ang tsinitang babae ay nakasubsob din sa likod ng driver’s seat.

Habang isinusulat ang balitang ito’y iniimbesti­gahan pa ang insidente.

Sinasabing isang kulay puting kotse ang huminto sa unahan ng sasakyan ng mga biktima at nakitang kausap ng suspek ang babae, na pinaniniwalaang magkakilala.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kausap nito, at maya-maya pa’y umalingawgaw ang putok ng baril.

Humarurot papa­takas ang sasakyan ng suspek ngunit hindi natukoy kung ilan ang sakay nito.

May nakuhang closed circuit television (CCTV) footages na ngayon ay pinag-aaralan pa ng pulisya.

Nakitang may mga larawan ng sasakyan na naka-print sa loob ng van ng mga biktima na posibleng may isyu ng sanglaan.

Isang kalibre .45 baril ang nakuha sa sling bag ng lalaking biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …