Saturday , November 16 2024

Kelot dedbol sa drug bust sa NE (Kabilang sa drugs watchlist)

PATAY ang isang suspek na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa ikinasang drug bust ng mga kagawad ng Cabanatuan City Police SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo nitong Martes ng madaling araw, 20 Abril, sa Brgy. Bantog Norte, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon base sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, ang suspek na si Mark Dela Peña, nasa hustong gulang, kabilang sa drugs watchlist, residente sa naturang lugar.

Bumuwelo ang suspek nang maamoy na mga operatiba ang katransaksiyon saka pinutukan sila ng baril ngunit maagap na gumanti ng putok ang mga back-up na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Nakompiska sa pinangyarihan ng insidente ng mga nagrespondeng Scene of the Crimes Operatives (SOCO) ang isang kalibre .38 Smith and Wesson baril, limang basyo ng bala ng 9mm pistola, isang pakete ng hinihinalang shabu, at sling bag.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *