NADAKIP ang 10 hinihinalang mga talamak sa paggamit at sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa follow-up operations kaugnay ng pinaigting na kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) nitong Lunes ng gabi, 19 Abril, sa paligid ng entertainment district ng Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina Francisco Dugang, alyas Dodong, 31 anyos, ng Pandacaque, Mexico; Joseph Zacarias, 39 anyos, ng Baryo Matictic, Norzagaray, Bulacan; Villa Nesa Gonzalo, 31 anyos, ng Dimasalang, Masbate; Estrel Mae Palasyos, 27 anyos, ng lungsod ng General Santos; Asis Tantiado, 21 anyos; Arjay Rosales, 20 anyos; Rolando Gualdalajara, 57 anyos; Ephraim de Jesus, 29 anyos; Ruben Aresgaldo, 25 anyos; at Elmer Nadonga, kapwa esidente sa lungsod ng Angeles, ng nabanggit na lalawigan.
Nakompiska mula sa mga arestadong suspek ang 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000, paraphernalia, at marked money na ginamit sa operasyon.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng PDEA3. (RAUL SUSCANO)