Sunday , September 8 2024

Serye-exclusive: Villamin, kumita sa SEC Advisory vs DV Boer Farm

ni ROSE NOVENARIO

IMBES malungkot sa inilabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) na advisory laban sa DV Boer Farm na nagbabala sa publiko na huwag tangkilikin ang ibinebentang stocks dahil wala itong secondary license, pinagkakitaan pa ito ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin.

Nabatid, matapos lumabas ang SEC Advisory noong Abril 2019, natauhan ang investors ng DV Boer at siningil si Villamin na ibalik ang kanilang multi-bilyong pisong puhunan kahit wala nang tubo gaya sa napagkasunduan.

Inilathala ito ng isang umano’y malapit kay Villamin na unnamed blogger sa dvboerscam.com sa artikulong may titulong All You Need to Know About DV Boer Scam.

Ayon sa blogger, wala umanong pumasok na bagong Pa-Iwi  investments makaraang mag-isyu ng advisory ang SEC at naganap ito habang namumuhay bilang royal family ang mga Villamin kaya’t lumu­tang ang kapalpa­kan ng mga programa ng DV Boer.

Maging ang sub-farms ng DV Boer ay nalugi aniya bunsod ng kawalan ng pondong itutustos para alagaan ang libo-libong mga kambing at baka.

Karamihan kasi sa subfarms ay sinunod umano ang mga direktiba ni Villamin na gastusan nang husto ang farm development at pag-empleyo sa mga residente ng komunidad gaya ng ginawa ng DV Boer.

Ipinangako umano ni Villamin sa sub-farms at partners nito na may papasok na malaking kapitalista na maglalagak ng bilyones sa kanilang negosyo.

Para mangyari umano ang senaryo, nag-solicit si Villamin ng P6 milyon mula sa naluluging subfarms.

Ikinatuwiran niya na magmumula raw sa United Kingdom ang kuwarta ng kapitalista kaya kailangan magba­yad ng ‘facilitation fee.’

Ipinagyabang umano na tutulungan siya ng militar para makapag­puslit ng milyon-milyong dolyares sa bansa.

“DV promised the subfarms and the partners that a venture capitalist will infuse billions of pesos into the business. To make this happen, DV solicited around P6 million pesos from already cash-strapped subfarms. DV told the subfarms that he needed the money as facilitation fee because the money will be coming from the United Kingdom. He even boasted that the Philippine Army will help him smuggle millions of dollars into the country without being detected by the customs.”

Walong beses uma­nong nangako si Villamin na darating ang kuwarta hanggang mapagod na lamang ang subfarms sa pagtatanong sa kanya at natuklasan nilang naloko na naman sila ng DV Boer owner.

“For 8 times, he promised that the money will definitely arrive. Soon, the subfarms got fed up and they discovered too late that they were scammed again.”

Lingid sa kaalaman ng militar, ginamit sila ni Villamin hindi lang para maging katambal sa ‘agribusiness’ ng DV Boer para palabasing lehitimo ang kanyang raket, pinalabas pa niyang  sangkot sa dollar smuggling ang Philippine Army.

Bukod sa P6 milyong kinolekta niya sa subfarms, kinikilan pa niya ng P3 milyon para ipampabayad umano sa SEC penalty.

Kailangan umano niyang suhulan ang mga opisyal ng SEC para payagan ang secondary license registration

Ngunit naglabas ng order ang SEC na nagsaad na humirit ng penalty discount ang DV Boer kaya’t P300,000 ang inisyal na ibinayad nito.

Nang hanapin ng subfarms ang kanilang pera, napailing na lamang sila dahil nalinlang na naman ni Villamin.

“Aside from the P6 million he collected from the poor subfarms, he also collected P3 million from them as payment for the SEC Penalty. He then told the subfarms that he will have to bribe SEC to allow the registration of its secondary license in addition to the P3 Million. However, SEC issued an order saying that DV Boer asked for a discount from SEC for the penalties and it only paid P300,000 initially. The sub-farms were asking where their money really went. In the end, the subfarms meekly accepted their fate that they were scammed again.” (May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Gem Castillo

Hiling bago pumasok ng politika, ipinagkaloob ng Diyos kay Mayora Gem Castillo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio WALANG imposible kapag ginusto ng Diyos. Ito ang makabuluhang tinuran …

Ara Mina

Ara hinihikayat tumakbong konsehal sa Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MARAMI raw humuhikayat kay Ara Mina na tumakbo bilang konsehal sa Pasig City. Eh …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *