Wednesday , September 11 2024
PNP PRO3

One time-big time ops kontra krimen ikinasa 574 pasaway nalambat sa CL

UMABOT sa 574 katao ang nalambat sa pagla­bag sa iba’t ibang mga batas sa patuloy na anti-criminality campaign mula 9 Abril hanggang 15 Abril ng PRO3-PNP sa Central Luzon.

Sa talaan ng Central Luzon PNP, sa kabuuang 574 naaresto, 178 ang sangkot sa ilegal na sugal, 215 sa paglabag ng RA 9165, 178 nagtatago sa batas na may warrant of arrests, at tatlo ang itinuluyang sampahan ng kaso sa paglabag sa lokal na ordinansa.

Samantala, nasamsam ang may 623 pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na 628.46 gramo at nagkakahalaga ng P4,241,803; at 54 pakete ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P36,880, mula sa anti-narcotics operations.

Nakakompiska rin ng mga perang tayang umabot sa P47,734 mula sa ilegal sa sugal.

“These accomplish­ments particularly in the arrest of wanted fugitives, people involved in illegal drugs, illegal gambling, and street crimes were the results of strong support of all local chief executives in the anti-criminality campaign,” pahayag ni PRO3 Director P/BGen. De Leon. (R. SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *