Saturday , November 16 2024
marijuana

2 kelot timbog sa damo

MAHIGIT kalahating kilo ng marijuana ang nasabat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City Police sa dalawang lalaki kahapon.

Nadakip ang dala­wang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.

Sa ulat kay P/BGen. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), ng Las Piñas Police SDEU, hinuli ang dalawang suspek na kinilalang sina Edward Pastera, at Vicente Bautista IV, nitong Sabado, 17 Abril, sa Rosal St., Vergonville Subd., Brgy. Pulang Lupa Dos.

Nakabilli ang poseur-buyer ng dalawang stick ng marijuana sa halagang P300 kaya nahuli ang dalawang suspek.

Nakuha sa mga suspek ang ziplock plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, nasa 579 gramo, may street value na P69,480 at isang timbangan.

Isinailalim ang dalawang suspek sa inquest proceedings sa Las Piñas Prosecutor’s Office  dahil sa paglabag sa Republic Act 9165  Section 11 at 5 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *