Wednesday , September 11 2024

Serye-exclusive: Conjugal dictatorship sa DV Boer, ibinisto

ni ROSE NOVENARIO

IBINISTO ng dating Internal Audit Head ng DV Boer Farm na umiiral ang conjugal dictatorship sa pananalapi ng kom­panya at wala naman talagang intensiyon ang presidente nitong si Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin na pumasok sa lehitimong negosyo bagkus ay mangolekta lang ng pera mula sa target investors ang tunay na hangarin.

Isinalaysay ni Alvin Andulan, isang certified public accountant (CPA) at dating Internal Audit Head ng DV Boer, ang mag-asawang Dexter at Marianne Co ang tanging signatories ng corporate account ng DV Boer at anomang withdrawal mula sa bank account nito’y nasa direktang control ni Dexter.

Kaya malayang naka­kukuha ng malalaking halaga ang mag-asawa at ang kanilang pamilya mula sa pondo ng DV Boer gaya ng pambayad sa shares sa Punta Fuego sa halagang P650,000; shares sa The Global Filipino Investor (TGFI) na P1,300,000, at para sa talent fee na ibinayad kay Dexter na P100,000 para sa pagdalo niya sa isang event noong 25 Setyembre 2018.

Kinuha rin sa pondo ng DV Boer ang pam­bayad sa monthly amortization ng Versailles property na P491,427,910.

Ultimo sinturon na gamit ni Dexter na may presyong P110,000 ay nagmula sa pera ng DV Boer pati buckle na P100,000, panggastos sa pagtatayo ng estatwa niya, ipinambili sa mga yate, at ang maintenance at parking fee para rito.

“The foregoing facts helped me realized that the Villamin family has no intention in the first place to enter into business legitimate but mainly to get money from the public.

Ayon kay Andula, kahit naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng advisory noong 30 Abril 2019 na walang secondary license ang DV Boer para mag-solicit ng investments sa publiko ay itinuloy pa rin ng kom­pan­ya ang pangangalap ng Pa-Iwi investments na itinago bilang Service Contracts.

Nagsagawa ng Profitability Analysis ni Andula upang patu­nayan na isang scam ang negosyo ni Villamin lalo ang Pa-Iwi programs.

“In the said analysis, to wit:

  • As of 31 December 2017, the goats based on the contracts are 7,500 but there is no available data to the actual number of goats in the farms;
  • As of 31 December 2019, the goats based on the contracts are 16,530 vis-à-vis actual count of the goats in the farm is 3,706;
  • As of 31 October 2019, the goats based on the contracts are 26,5865 vis-à-vis the actual count of the goats in the farm is 3,513.”

Naipakita ni Andulan sa DV management sa isang pulong kasama sina Marianne, Dexter, Randy Macalindol, Rosalyn Alvarez, at Joselyn Villamin na may malaking kulang sa bilang ng mga kambing na nakasaad sa Pa-Iwi contracts kompara sa aktuwal na bilang ng mga kambing na makikita sa mga farm.

Sinabi niya, sa buong panahon ng pananatili sa DV Boer ay napatunayan niya na ang business venture nito’y isang scam at patungo sa pagbagsak.

Kalokohan ang inilalako ng DV Boer na 33% interest kada taon at ang nakuhang pera mula sa investors ay hindi ginasta para sa tunay na layunin ng negosyo.

“They were spent to finance the luxurious living and extravagant lifestyle of the Villamin family and other officers of DV Boer,” sabi ni Andulan.

Nakagugulat aniya na ang ibang bahagi ng kuwartang inilagak bilang puhunan ng investors ay direktang idineposito sa bank account ng girlfriend ni Dexter na si Lovely Corpus. (May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *