Monday , December 23 2024

Sumirit na COVID-19 cases isinisi ng DOH sa publiko (Worst case scenario ‘di pinaghandaan)

ni ROSE NOVENARIO

INAMIN ng Palasyo na hindi pinaghandaan ng gobyerno ang worst case scenario ng pandemic partikular ang pagkakaroon ng iba’t ibang variants ng CoVid-19 na nagresulta sa pagsirit ng bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang buwan.

Sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, ang kahandaan ng pamahalaan ay para sa orihinal na CoVid-19 lamang at hindi sa ‘ipinanganak’ o mutasyon ng variants nito na anim hanggang siyam na beses na mas mabilis ang transmisyon.

“So in a normal situation, like if we do not have the variants we are prepared, because we were able to reach that mandated 20% or 30% in private facilities for the number of CoVid beds. Unfortunately, the variants have increased much faster and the spread has been tremendous that is why the numbers of cases have increased this much,” ani Vergeire sa virtual Palace press briefing kahapon.

Noong nakalipas na buwan, iniulat ng Philippine Genome Center na ang natuklasan sa mga sinuring kaso sa bansa ay PH, UK, Brazil, at South Africa variants.

Sinisi ni Vergeire ang hindi umano pagsunod sa minimum health protocols ng mga mama­mayan sa paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa Filipinas.

“The minimum health protocols have to be complied with and as what we have observed and based on how we have analyzed things, we have seen that there has been this decline in the compliance to minimum health protocols and the root cause of the problem would be this compliance to health protocols,” ani Vergeire.

“So if you are not complying and the compliance is low, the variants would easily spread and that is what happened to all of us,” giit niya.

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *