Monday , December 23 2024

Sen. Bong Go, dumalo sa ‘mass gatherings’

Sa kanyang Going Forward column sa pahayagang Daily Tribune, ikinuwento ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang libo-libo kataong tinulungan niya sa mga pinuntahang lugar sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Aniya, noong Lunes, 15 Marso, ay tinulungan ng kanyang grupo ang 1,655 beneficiaries sa Cabagan, Isabela, at 1,037 beneficiaries sa Amulung, Cagayan.

Habang noong Martes, 16 Marso, nagbigay ng ayuda ang senador sa 1,600 biktima ng bagyo sa Tuguegarao City sa Ilagan Gym sa Isabela; 1,500 typhoon victims sa Tuguegarao City; at 1,275 beneficiaries sa Barangay Aras Asan, at 1,171 sa Barangay La Purisima sa Surigao del Sur.

Noong Miyerkoles, 17 Marso, ayon kay Go, ay tinulungan nila ang 1,007 beneficiaries sa Bayabas at 510 pa sa Cortes sa Surigao del Sur; at 700 beneficiaries mula sa Baggao at 1,600 iba pa mula sa Ilagan City, Isabela.

“On Thursday, 18 March, we helped 479 individuals in San Mariano in Isabela and 1,198 beneficiaries in Gattaran, Cagayan. Then on Friday, 19 March, we helped 368 individuals in Bagabag and 910 more in Bayombong, Nueva Vizcaya,” sabi ng senador.

“Last Tuesday, 16 March, we assisted medical workers and patients at the Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital in Ilagan City, Isabela; 1,433 medical workers and 103 patients in Cagayan Valley Medical Center in Tuguegarao City and 212 market vendors in Prosperidad, Agusan del Sur. On Wednesday, 17 March, we helped around 400 market vendors in Kidapawan City.

“Then on Thursday, 18 March, I physically went to provide assistance to 1,944 hospital staff members and 283 indigent patients of the Eastern Visayas Regional Medical Center; 1,000 market vendors and TODA members and additional recipients of lot titles in Tacloban City; 800 market vendors and TODA members in Tanauan, Leyte; and 200 market vendors in Kidapawan City.

“On Friday, we helped 11 Games and Amusement Board boxers in Lagawe, Ifugao. Then on Saturday, 20 March, I personally assisted 650 market vendors and peddlers in Quezon, Bukidnon and visited as well 456 more market vendors in Kidapawan City.”

Ilang political observers ang nakapuna na lahat nang binanggit ng senador na pinuntahan niyang pagtitipon ay paglabag sa Section 5 ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines.

Nakasaad dito, sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ay pinahihintulutan ang mass gatherings na 50% ang seating o venue capacity.

“Kitang-kita sa video na mas marami sa 50% capacity ng lugar ang mga tao at nakipag-fist bump pa si Sen. Go sa mga taong kanyang naraanan habang papaakyat sa entablado,” anang isang political observer.

Matatandaan, ilang beses nang napaulat ang paglabag sa health protocols ng ilang matataas na opisyal gaya nina Roque, Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong, at PNP chief Gen. Debold Sinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *