Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. (Larawan mula kay Angie De Silva)

Panawagan sa IATF: Karapatan sa pagsamba igalang — Pabillo

NANAWAGAN ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa adminis­tra­syong Duterte na konsulta­hin ang mga kaukulang sektor bago magbalangkas ng patakaran kaugnay sa ipinatutupad na quarantine protocols.

Sinabi ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, may hindi pagkakauna­waan kaugnay sa inilabas niyang pastoral instruction na nagsaad na bukas at magdaraos ng misa ang mga simbahan na may 10% porsiyentong kapasi­dad sa loob ng dalawang linggong idineklarang mas mahigpit na implementasyon ng general community quarantine (GCQ) sa NCR plus bubble (Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal).

Ang pahayag ni Pabillo ay tugon sa babala ni Presidential Spokesman Harry Roque na uutusan ang mga pulis para isara ang mga simbahan dahil paglabag sa resolusyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na ‘bawal’ ang religious activities mula 22 Marso hanggang 4 Abril.

“Although misunderstandings may have been occasioned by this pastoral instruction, we are happy that this has brought to fore three things about government policies,” aniya sa isang kalatas.

Kabilang aniya rito ay dapat linawin ng pama­halaan ang mga kautusan tulad ng ano ba ang kahulugan ng “mass gathering” dahil hindi lahat ng religious activities ay maituturing na “mass gathering.”

Anang Obispo, nani­nin­digan ang Simbahan sa karapatan sa pagsamba at kailangan igalang ito ng estado at huwag hadlangan.

“We assert our right to worship and the state should respect this and not unnecessarily hamper it. Religious activities are essential services for the well-being of people,” giit ni Pabillo.

“State regulatory bodies should consult the sectors concerned when making policies about them. I lament the fact that religious sectors are not represented, nor even consulted, when they make policies affecting our life of worship,” dagdag ng Obispo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …