SWAK sa kulungan ang isang lalaki na nakuhaan ng baril at shabu makaraang isilbi ng pulisya ang isang search warrant sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief, Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Jenaro Cuarteron, 24 anyos, residente sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog.
Batay sa ulat, dakong 10:20 am nang isilbi ng mga tauhan ng Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Rejano ang isang search warrant No. SW 21-003 MAL dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) na inisyu ni Hon. Judge Ma. Antonia Largoza-Cantero ng RTC Branch 291 ng Malabon City.
Nakipag-ugnayan ang team sa pinsan ng suspek na nakipagtulungan a kanila at sinamahan sa bahay ng subject para isilbi kay Cuarteron ang search warrant sa haeap ng mga saksing media representative at barangay kagawad.
Inaresto ang suspek na nakukhaan ng isang kalibre .38 revolver, kargado ng anim na bala, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, itim na backpack, sling bag, lighter at box.
(ROMMEL SALES)