Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: US troops borloloy ni Villamin sa DV Boer (‘Di lang AFP)

ni ROSE NOVENARIO

HINDI lang mga opisyal at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagamit na dekorasyon ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin para lumitaw na lehitimo ang ‘Ponzi’ scheme ng kanyang DV Boer Farm Inc., upang makahikayat ng investors.

Noong 18 Setyembre 2020, inilathala ni Villamin sa kanyang Facebook ang mga larawan na umano’y kuha nang dumalaw sa DV Boer farm ang tatlong tropang Amerikano.

“US Civil military affairs visited DV Boer farm and its community livelihood projects,” ayon sa caption ni Villamin sa mga larawan.

Kapuna-puna sa larawan na walang suot na face mask at face shield si Villamin at mga kasamang US troops.

Walang ibang detal­yeng tinukoy si Villamin kung may kinahinatnan ang pagbisita ng mga tropang Amerikano sa kanyang farm.

Taliwas ito sa paggasgas niya sa AFP na dalawang parangal ang kanyang nasungkit nang makipagmabutihan sa militar, ang 2018 Gawad Kapayapaan Award at Unifier Soldier Award noong Enero 2019.

Ipinagkaloob kay Villamin ang nasabing mga award ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army na noo’y pinamunuan ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos, Jr.

Naging panauhing pandangal pa si Villamin sa ika-43 anibersaryo ng 2nd ID (Jungle Fighter Division) sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal noong 21 Marso 2019.

Sa isang pribadong chopper nakasakay si Villamin nang dumating sa Camp Capinpin at sinalubong siya ni Burgos at iba pang matataas na opisyal ng command.

Pinatunayan din ni Villamin na hindi lamang hanggang division commander ang kanyang ‘asim’ sa AFP kundi maging kay noo’y AFP chief of staff Gen. Filemon Santos at AFP-Civil Relations Service chief Maj. Gen. Ernesto Torres ay ibinalandra rin niya ang mga larawan nang bigyan niya ng libro at small souvenir.

Retirado na si Santos habang si Burgos ay commander ng Northern Luzon Command pero si Villamin ay walang bagong post sa kanyang social media accounts kung “BFF” pa rin ba siya ng military generals matapos bumuhos ang mga reklamong syndicated estafa laban sa kanya.

May iba pa kayang ahensiya ng pamahalaan, pribadong organisasyon o mga mambabatas ang nauto rin ni Villamin?

(May Karugtong)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *