Wednesday , January 19 2022

Serye-exclusive: US troops borloloy ni Villamin sa DV Boer (‘Di lang AFP)

ni ROSE NOVENARIO

HINDI lang mga opisyal at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagamit na dekorasyon ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin para lumitaw na lehitimo ang ‘Ponzi’ scheme ng kanyang DV Boer Farm Inc., upang makahikayat ng investors.

Noong 18 Setyembre 2020, inilathala ni Villamin sa kanyang Facebook ang mga larawan na umano’y kuha nang dumalaw sa DV Boer farm ang tatlong tropang Amerikano.

“US Civil military affairs visited DV Boer farm and its community livelihood projects,” ayon sa caption ni Villamin sa mga larawan.

Kapuna-puna sa larawan na walang suot na face mask at face shield si Villamin at mga kasamang US troops.

Walang ibang detal­yeng tinukoy si Villamin kung may kinahinatnan ang pagbisita ng mga tropang Amerikano sa kanyang farm.

Taliwas ito sa paggasgas niya sa AFP na dalawang parangal ang kanyang nasungkit nang makipagmabutihan sa militar, ang 2018 Gawad Kapayapaan Award at Unifier Soldier Award noong Enero 2019.

Ipinagkaloob kay Villamin ang nasabing mga award ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army na noo’y pinamunuan ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos, Jr.

Naging panauhing pandangal pa si Villamin sa ika-43 anibersaryo ng 2nd ID (Jungle Fighter Division) sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal noong 21 Marso 2019.

Sa isang pribadong chopper nakasakay si Villamin nang dumating sa Camp Capinpin at sinalubong siya ni Burgos at iba pang matataas na opisyal ng command.

Pinatunayan din ni Villamin na hindi lamang hanggang division commander ang kanyang ‘asim’ sa AFP kundi maging kay noo’y AFP chief of staff Gen. Filemon Santos at AFP-Civil Relations Service chief Maj. Gen. Ernesto Torres ay ibinalandra rin niya ang mga larawan nang bigyan niya ng libro at small souvenir.

Retirado na si Santos habang si Burgos ay commander ng Northern Luzon Command pero si Villamin ay walang bagong post sa kanyang social media accounts kung “BFF” pa rin ba siya ng military generals matapos bumuhos ang mga reklamong syndicated estafa laban sa kanya.

May iba pa kayang ahensiya ng pamahalaan, pribadong organisasyon o mga mambabatas ang nauto rin ni Villamin?

(May Karugtong)

 

About Rose Novenario

Check Also

Huli sa aktong nagtutupada
7 KATAO TIMBOG SA TANAY, RIZAL

PITO katao ang nadakip nang mahuli sa aktong nagtutupada, malinaw na paglabag sa anti-gambling operation, …

dead gun

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban …

money Covid-19 vaccine

Saan napunta?
P70.92-B INUTANG NG PH PAMBILI NG BAKUNA

ni ROSE NOVENARIO UMABOT sa P70,92 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula sa apat …

4 COP binalasa sa Rizal

KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police …

Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal …

Leave a Reply