UPANG maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variant ng CoVid-19 sa Filipinas, ipinatupad ng gobyerno na limitahan ang pagdating ng mga pasahero mula sa international flights sa bilang na 1,500 kada araw simula ngayong 18 Marso hanggang 18 Abril.
Bilang pagsunod sa pinakahuling resolusyon, kinansela ng Cebu Pacific ang mga sumusunod na flights mula 18 Marso hanggang 18 Marso 2021: Manila – Narita (Tokyo) – Manila at Manila – Nagoya – Manila
Makikipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa mga apektadong pasahero sa pamamagitan ng mga detalyeng kanilang inilagay sa pag-book ng kanilang flight.
Maaaring i-manage ng mga pasahero ng kanseladong flights sa kanilang booking sa Manage Booking portal sa website ng Cebu Pacific (http://bit.ly/CEBmanageflight) sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kanilang pag-alis.
Rebook: Maaring mag-rebook sa loob ng 90 araw nang walang karagdagang bayad.
Travel Fund: Maaaring ilagay sa isang virtual wallet na maaaring gamitin sa loob ng dalawang taon bilang pambayad sa bagong flight o sa mga add-ons sa flight.
Refund: Maaari rin i-refund ang binayaran ng pasahero para sa kanyang flight ngunit maaaring magtagal ito hanggang pitong buwan dahil hindi inaasahang malaking bilang ng mga refund request.
Sa mga pasaherong boluntaryong kakanselahin ang kanilang mga biyahe, maaaring mag-rebook ng flight hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang oras ng kanilang flight, alinsunod sa permanenteng pagtanggal ng Cebu Pacific sa change fees.
Mananatili ang orihinal na schedule ng domestic flights ng Cebu Pacific. Pinapayohan ang mga pasahero na tingnan ang real-time/ status ng kanilang flight sa website: bit.ly/CEBFlightStatusCheck, ang mga / travel requirement, safety protocols,/ at iba pang katanungan (FAQs)/ sa bit.ly/CEBFlightReminders/ / /
Maaaring i-update ng mga pasahero ang kanilang mga detlaye sa / bit.ly/CEBUpdateInfo/ upang makatanggap sila ng email notifications/ sa mga paalala at mga update ukol sa kanilang flight.
(KARLA OROZCO)