Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong isolation facility handa na vs CoVid-19 (Sa paglobo ng mga kaso)

SA PATULOY na paglobo ng mga kaso ng CoVid-19, tiniyak ni Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga na handa anomang oras ang bagong isolation facility ng lalawigan sa bayan ng Mexico upang matiyak ang seguridad ng mga Kapampangan sa panahon ng pandemya.

Pahayag ni Dr. Dax Tidula, incident commander ng National Government Administration Center (NGAC), may apat na gusali ang naturang pasilidad na may 144 bed capacity, kabilang dito ang mga container van na donasyon ng Department Of Public Works and Highways (DPWH).

Bawat gusali ay may partisyon, sariling kuwarto na may aircon at palikuran.

Personal na pinangunahan ni Provincial Administrator Charlie Chua ang inspeksiyon ng nabanggit na pasilidad, kasama sina Provincial Engineer Olimpio Pangan, General Services Office head Francis Maslog, at Management Information System head Mary Lou Espaltero. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …