Saturday , December 21 2024

Panelo ginawang kenkoy ni Bong Go

YOU must show respect for your elders if you want others to respect you.”

Tradisyon sa lipunan ang paggalang sa nakatatanda kaya naging masama sa panlasa ng ilang political observer nang mapasubo ang isang senior citizen na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte nang hilingin na mag-push-up ni Sen. Christopher “Bong” Go sa isang pagtitipon sa Malate, Maynila nitong Biyernes.

Sa kanyang programang Counterpoint sa state-run People’s Television Network (PTV) kahapon ay ikinuwento ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinali siya sa gimik o kalokohan ni Go nang humirit na magpakita siya ng kakayahan na mag-push up kahit isa siyang senior citizen.

Ipinakita ni Panelo sa kanyang TV program ang video sa naturang okasyon.

“O hayan, nakita n’yo. Alam n’yo may kalokohan itong si Senator Bong Go, e. Wala yatang magawa sa atin, kasi pinagsalita tayo, tinawag tayo bago siya dumating. Ayaw ko naman magsalita kasi hindi ko naman event ‘yun e, kay Senator Bong Go. Sabi sa akin ni Sen. Bong Go nang magkausap kami , sabi n’ya ,Sir, mag-ano naman kayo, magsalita. Kapag wala ako, kayo na kasi ‘pag darating na ako nagkakagulo na sila sa mga sapatos na ipinangako natin,” kuwento ni Panelo.

“Kaya may naisip na gimik ito, kalokohan, ako naman wala akong kamalay-malay, Sabi niya, “iyan pong si Sec Sal alam n’yo ba senior citizen ‘yan pero kaya niyang mag-push-up. Hindi po ba, Sec Sal?”  E ‘di ako naman tumango. Sabi n’ya, bigyan n’yo naman kami ng sample. Naku naloko na, e ‘di ‘yung mga tao ngayon, “sige,sige” So naglagay ho siya ng karton para raw hindi ako marumihan ng kamay at pinag-push-up ako, ayan. Hayan nakikita n’yo yan, naglagay siya ng karton. E ‘di dumapa naman tayo at ang mga tao e nagbilang. Funny talaga itong si Bong Go e kung ano-ano ang ginagawang kalokohan,” ani Panelo.

“Sabi ni Senator Bong Go , “Sir, pag kasama ko kayo kailangan mayroon tayong ano ‘yung parang matuwa ‘yung crowd gaya ng ginawa natin kanina, nag-push-up kayo. E siguro sabi ko sa sarili ko, mahirap na ‘yung pinapagawa mo e. Mabuti pa kumanta na lang tayo, hindi ho ba?” aniya.

Hiningi ng HATAW ang panig ni Go sa isinalaysay ni Panelo at giit niya, si Panelo ang nagsabi na may kakayahan siyang mag-push up ng hanggang 100 beses.

“Tinawag ko siya to give a speech. Ayaw niya. So sabi namin 70 plus years old na siya pero physically fit daw siya at siya nagsasabi na kaya niya mag-push— up 100 times. Siya nagsasabi na kaya niya,” tugon ni Go sa isang text message.

Sa isang okasyon kamakailan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging magaling na senador si Panelo habang si Go naman ay tila inendoso niyang presidential wannabe.

Matatandaan noong Pebrero 2019 ay umalma ang aktres na si Kris Aquino nang gamitin siya sa skit nina Go at Philip Salvador bilang isa sa mga naloko ng aktor sa senatorial campaign ng dating special assistant to the president.

Humingi ng paumanhin si Go kay Aquino kung nasaktan niya ang damdamin ng aktres.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *