ni ROSE NOVENARIO
ISINUSULONG ng administrasyong Duterte ang pagsusumikap na magkaroon ng ambag sa buong mundo ang Filipinas sa paghahanap ng lunas sa coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa Palasyo.
Kinompirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na lumalarga ang inisyatiba ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na magtatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) na magde-develop ng kakayahan ng bansa na magkaroon ng sariling bakuna.
Tuloy pa rin aniya ang mga clinical trial para sa virgin coconut oil, Tawa-Tawa at sa blood plasma bilang mga lunas sa CoVid-19.
Ngunit may ilang nagdududa a sinseridad ng Palasyo sa pagsuporta sa research ng DOST sa bakuna lalo na’t P284 milyon lamang ang inilaang pondo pambili ng equipment at iba pang pangangailangan upang masimulan ang research activities sa ilalim ng panukalang VIP para sa taon 2021.
“Mas mahal pa ang ginastos ng DENR na P389 milyon para sa Manila Bay ‘Dolomite’ beach kompara sa research para sa bakuna,” anang isang observer.