Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Drinking Alcohol Inuman

Binasted ng bebot, kelot naglasing, naghamon ng away

NAGPAULAN ng basag na bote ng serbesa sabay naghamon ng suntukan ang isang lasing na binata makaraang biguin ng nililigawang babae sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa kulungan na natauhan ang suspek na kinilalang si Joshua San Miguel, 20 anyos, residente sa Dulong Jacinto St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 6:30 pm nang maganap ang pagwawala ng suspek ilang metro ang layo sa bahay sa nasabing lugar.

Maaga pa umano nang mag-inom ang suspek  sa tabing tindahan at nang malasing ay naalala ang pagkakabasted sa kanya ng nililigawang magandang babae dahilan upang magwala at maghamon ng away.

Dito nagresponde ang mga tanod na sina Alvin Abadicio at Joselito Villanueva at agad na inaresto ang nabasted na lalaki.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal ang suspek na si San Miguel na sising-sisi sa kanyang ginawang pagwawala nang mahimasmasan at mawala ang epekto ng alak. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …