Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pambihirang Kobe Bryant rookie card nabenta ng US$1.75-M

RUNNEMEDE, NEW JERSEY — Isang flawless rookie card ni National Basketball Association (NBA) icon Kobe Bryant — na sinasabing “one of the rarest in existence” — ang nabenta sa isang subastahan sa halagang US$1.75 milyon.

Ang mga basketball rookie cards — na pinag-aagawan ng mga kolektor — ay mga trading card na unang naglalabas ng isang atleta matapos marating ang professional ranks.

Inihayag ng Goldin Auction House na ang Topps trading card ni Bryant ay isa sa dalawa sa mundo na ikinokonsiderang nasa “black label pristine condition”  at tinurang pinakamahal na Kobe Bryant card na naibenta.

Yyumao si Bryant, na nagbigay sa kanyang sarili ng palayaw na ‘Black Mamba,’ may isang taon na ang nakalipas noong 26 Enero 2020 sa isang helicopter crash kasama ang kanyang 13-anak anak na babaeng si Gianna at pito pang iba sa edad 41 anyos.

Itinuturing siya bilang isa sa pinakadakilang basketbolista na tumulong sa Los Angeles Lakers na magwagi ng limang NBA championship bilang 18-time All-Star, 15-time member ng All-NBA Team, 12-time member ng All-Defensive Team, 2008 NBA Most Valuable Player (MVP) at two-time NBA Finals MVP.

Pinangunahan din ni Bryant ang NBA sa scoring at napahanay na ika-apat all-time regular season scoring at all-time post season scoring list ng liga.

Isinilang siya sa Philadelphia at lumaki rin sa Italya at kinilala bilang top high-school basketball player sa Estados Unidos noong nasa Lower Merion High School  sa Pennsylvania. Anak ni dating NBA player Joe Bryant, nagdeklara siya sa 1996 NBA draft matapos magtapos ng pag-aaral at pinili ang Charlotte Hornets sa ika-13 overall pick; kasunod nito’y na-trade siya sa Lakers mula sa Hornets.

Bilang rookie, umani ang NBA champion ng reputasyon bilang high-flyer at paborito ng mga fans sa pagsungkit ng 1997 Slam Dunk Contest. Sa kabila ng matinding pakikipagtagisan ng husay sa kanyang teammate na si Shaquille O’Neal, pinangunahan ng dalawa ang Lakers sa tatlong magkakasunod na kampeonato sa NBA mula 2000 hanggang 2002.

Noong 2003, kinasuhan si Bryant ng sexual assault ng isang female hotel clerk. Kalaunan nama’y iniurong ang kaso laban sa kanya makaraang tumanggi ang nag-asunto sa kanya na tumestigo  at ang reklamo ay napagksunduan sa labas ng korte.

Naglabas si Bryant ng public apology at inamin ang sexual encounter ngunit itinanggi ang alegasyon ng assault dahil ang naganap daw ay consensual.

Ayon sa mga basketball aficionado, sa kabila ng malaking halaga na ibinayad para sa rookie card ni Bryant, hindi nakagugulat na umabot sa kamangha-manghang halaga ang ibinayad dito.

“The fact that it sold for the final auction price of US$1.795 million, the all-time record for any Kobe Bryant card, speaks to just how beloved he was around the world,” punto ni Goldin Auctions founder Ken Goldin.

 (Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …