Friday , May 9 2025

‘Kill, kill, kill’ order ni Duterte, legal — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO

LEGAL ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar na patayin ang mga rebeldeng komunista.

“So under IHL (International Humanitarian Law) po, tama iyong order ng Presidente – kill, kill, kill kasi nga po kapag mayroong labanan, kapag ang labanan mo may baril na puwede kang patayin, alangan naman ikaw ang mag-antay na ikaw ang mabaril at mapatay,” sabi ni dating humang rights lawyer at Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

Paliwanag niya, may digmaang nagaganap sa puwersa ng New People’s Army (NPA) at gobyerno kaya batay sa IHL,  kailangan parehong armado ang nagpalitan ng putok at hindi puwedeng barilin o patayin ang hindi armadong aktibista.

“Mayroon bang distinction between doon sa mga aktibista at mga rebelde. Siyempre po mayroon, isa po iyan sa cardinal principle ng IHL. One of the basic limitations po ng means and method is always distinguished – kinakailangan ta-target-in mo lang iyong mga kabahagi sa labanan at huwag mong ta-target-in iyong mga hindi kabahagi gaya ng sibilyan,” paliwanag ni Roque.

Noong linggo ay nag­lunsad ng magkaka­sunod na police operations sa Calabarzon na nagresulta sa pag­patay sa siyam na aktibista, pagdakip sa anim, at pagkawala ng siyam.

Naganap ang madu­gong raid dalawang araw matapos utusan ni Pangulong Duterte ang pulis at militar na balewalain ang human rights sa pagtugis sa mga rebeldeng komunista.

Tiniyak ni Roque, iimbestigahan ng gobyerno ang pagpatay sa siyam na aktibista, lilitisin at parurusahan ang mga pumaslang sa kanila.

“Kaya ang sagot ko po roon sa mga napatay na mga aktibista, ang obligasyon ng estado po iimbestigahan at kung makita nila na mayroon talagang dapat paru­sahan, ang obligasyon ay lilitisin at paparusahan ang mga pumatay,” ani Roque.

“So, iyong siyam po na napatay, iimbestiga­han po natin iyan kasi hindi po sila sakop ng International Humanitarian Law dahil noong sila ay napatay, wala naman silang hawak na baril,” dagdag niya.

Kabilang sa mga napatay sa police operations ay si Emmanuel “Manny” Asuncion, secretary general ng BAYAN sa Cavite, kilalang mass organizer sa Southern Tagalog.

Kinilala ng Labor rights group PAMANTIK-KMU ang mag-asawang Chai Lemita Evangelista at Ariel Evangelista na napaslang sa Nasugbu, Batangas, mga miyembtro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan (UMALPAS KA).

Nabatid sa mga kaanak ng mag-asawang Evangelista, pinahirapan muna umano sila ng mga pulis bago pinatay.

Nakatakas sa mga pulis ang 10-anyos anak ng mag-asawa nang magtago sa ilalim ng papag.

Nang umalis umano ang mga pulis ay binitbit ang bangkay ng mag-asawa at natagpuan ang mga labi sa punerarya.

Ang search warrant umano ay ipinakita na lamang ng mga pulis sa pamilya ng mag-asawa, ilang oras matapos ang madugong insidente.

Binatikos ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes Jr. ang pahayag ni Roque.

“Walang sinabi sa IHL na “kill, kill, kill.” Sa katunayan, may mga ipinagbabawal ang IHL na pagpatay, tulad ng pagpatay sa mga hindi na makalaban at sa mga sibilyan o mga ‘di armado. Abogado pa naman, pero binibigyang katwiran ang paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Reyes sa kanyang Facebook post.

About Rose Novenario

Check Also

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …

Maja Salvador Emojination Chammy Chad Kinis

Maja nagpa-sexy muna bago bumalik sa showbiz 

I-FLEXni Jun Nardo NAGBAWAS muna si Maja Salvador ng manas-manas bago tuluyang bumalik sa showbiz. …

050925 Hataw Frontpage

SENATORIAL CANDIDATE DANTE MARCOLETA #38, NANGUNA SA BARANGAY SURVEY;
Libo-libong Tagasuporta Dumagsa sa Miting de Avance sa Philippine Arena

Sa nalalapit na halalan sa 2025, nagsagawa ng engrandeng Miting de Avance si Senatorial candidate …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *