Kinalap ni Tracy Cabrera
ATLANTA, GEORGIA — Sa isa sa kanyang mga prediksiyon, inihayag ng ika-16 na siglong French astrologer na si Nostradamus, magkakaroon ng ‘zombie apocalypse’ sa taong 2021 — at ngayong 2021 na nga, nais ng United States Centers for Disease Control and Prevention na sigurohing ang mga tao ay handa… kung sakaling magkatotoo ang hula ni Nostradamus.
Kamakailan ay ini-update ng CDC ang Zombie Preparedness section sa kanilang website — totoo nga, mayroon silang espesyal na section tulad nito — at habang hindi ito bago (inilunsad ito noong 2011), maganda ang masasabing ‘timing’ nito sa gitna ng umiiral na global pandemic dala ng novel coronavirus o nCoV kaya maaari ngang magkaroon ng sinasabing zombie apocalypse.
Ngunit inilinaw ng ahensiya sa online na ito, biro lamang, dangan nga lang ay mayroong seryosong mensahe ito ukol sa kahalagahan ng disaster preparedness.
“Wonder why zombies, zombie apocalypse, and zombie preparedness continue to live or walk dead on a CDC web site?” saad sa landing page nito. “As it turns out, what first began as a tongue-in-cheek campaign to engage new audiences with preparedness messages has proven to be a very effective platform. We continue to reach and engage a wide variety of audiences on all hazards preparedness via ‘zombie preparedness’.”
Ayon sa disaster preparedness expert at doktor, matalino ang kampanyang ito ng CDC.
“I think it’s great. As we’ve seen with coronavirus, disaster preparedness is crucial,” punto ni University at Buffalo’s Jacobs School of Medicine & Biomedical Sciences professor John Sellick.
Sumang-ayon dito si Federal Emergency Management Agency (FEMA) – certified natural disaster preparedness instructor Cheryl Nelson, pundador ng grupong Prepare with Cher, agreed: “I think this is brilliant. It is definitely an attention-getter and it makes preparing fun. The more creative ways we can get the preparedness message out, the better.”
“(The CDC) is simply trying to make disaster preparedness relatable to different populations,” sinubukang ipaliwanag ni Rutgers School of Public Health’s Department of Urban and Global Public Health associate professor Mitchel Rosen.
Ani Rosen, ang pag-uuugnay sa paksa sa isang zombie apocalypse ay “nagbigay interes sa mga tao ukol sa disaster preparedness.”