Saturday , November 16 2024

PH 2023 babalik sa normal — Duterte (Sa unang araw ng legal na bakunahan)

ni ROSE NOVENARIO

AABOT pa hanggang 2023 ang kalbaryo ng bansa sa epekto ng pandemya.

Inamin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa welcome ceremony sa pagdating  ng 600,000 doses ng Sinovac-made CoVid-19 vaccine (coronavac) sa bansa kamakalawa.

“In about maybe early, mga year 20, year 23, not the 22. Ito ngayon hanggang katapusan ng buwan, paspasan tayo. Early in the first, maybe first or second quarter of year 23, 2023, baka, sa tulong ng Diyos,” anang Pangulo.

Ngunit kahit dalawang taon pa bago magbalik sa normal ang pamumuhay sa bansa ay nagbabalak na si Pangulong Duterte na alisin na ang quarantine qualification.

Kailangan aniyang buksan na ang ekonomiya para makabangon ang kabuhayan ng lahat pero dapat ay magkaroon na ang bansa ng hanggang dalawang milyong stock ng bakuna kontra CoVid-19.

“Magkaroon lang tayo ng stock ng 2 million, bitawan ko na. I will open the economy. Talagang hirap tayo,” aniya.

Sinimulan nang iturok ang CoronaVac sa ilang health care workers at opisyal ng gobyerno kahapon.

Kauna-unahang legal na nabakunahan si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi sa ginanap na symbolic vaccination ceremony sa UP-PGH grounds na dinaluhan ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Si Nurse Chareluck Santos ang nagturok ng bakuna kay Legaspi.

“Si Dr. Legaspi ang nanguna sa atin sa laban na ito kaya karapat-dapat lang na siya ang unang tumanggap ng ating bakuna,” ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario.

“Kayong dalawa ay nasa kasaysayan na ng COVID-19,” aniya kina Legaspi at Santos.

Nabakunahan din  si Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo habang si testing czar Secretary Vince Dizon ay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium) sa Caloocan City nagpaturok ng coronavac.

Bukod sa PGH, kabilang rin sa priority hospitals ang Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center.

Batay sa survey sa Tala Hospital, 180 lamang sa 1,165 ang interesadong magpaturok ng cronavac kaya’t nagkakasa ng isang contingency plan ang pagamutan upang maiwasang maaksaya ang bakuna.

Matatandaang iniha­yag ng FDA na hindi rekomendado sa healthcare workers at senior citizens ang coronavac kahit binigyan ng ahensiya ng emergency use authorization (EUA).

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *