MAY kasabihan, ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig.
Sa halos limang taon sa puwesto na ang bukambibig ay galit sa Amerika at papuri sa Beijing, inamin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may komitment siya sa China na hindi papayagang gawing imbakan ang Filipinas ng armas nuklear ng Amerika.
Muling pinatunayan ni Pangulong Duterte na mas kiling siya sa China kaysa US dahil hindi niya sinasaway ang pagtatayo ng estrukturang militar ng Beijing sa mga teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) kahit hindi niya tiyak kung may mga nakatagong armas nuclear doon.
Ngunit sa US ay nagbanta siya na kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag napatunayan niyang may armas nuklear.
“Well, that’s a matter of geopolitics. I have made a declaration that we will adopt an independent foreign policy. Which means to say that, one, I assure China that I will not allow nuclear armaments of America to be stored in the Philippines. Iyan ang sinabi ko. That’s the guarantee that I ano — na hindi ako papayag,” tugon ng Pangulo kung ano ang magiging epekto sa ibang isyu ng Filipinas sa China sa pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac CoVid-19 vaccine sa bansa kahapon.
“Not because it will antagonize China but it is in the Philippine constitution, which prohibits the presence of nuclear armaments in the country,” dagdag niya.
Giit niya, walang hinihinging kapalit ang China sa pagbibigay ng mga bakuna sa Filipinas pero ang Amerika ay base militar ang inihihirit sa atin.
“China never asked for anything. China has been giving us everything but never asked anything from us actually. Ang pinakamabigat ang Amerikano, ang hinihingi nila ang base. Alam mo ba kung anong mangyari? Do you know the direct consequence?”
Nagbanta ang Pangulo na posibleng maging lunsaran ng digmaan ang Spratlys na malapit lang aniya sa Pangasinan kaya’t ang unang putok kapag sumiklab ang giyera ay ang Filipinas.
“Kung magkagiyera and it will surely start maybe in the theater of war would be the Spratly and China Sea. Katabi lang tayo. Pinan, it’s just — nakaharap. Maraming probinsiya nandiyan. Alam mo kung may armaments sila rito ang unang tatamaan ‘yon. Saan? Sa Filipinas,” sabi ng Pangulo.
“We are taking a very big gamble there. Kasi kung walang armaments sa Filipinas, ‘yon lang kailangan natin sa counter-insurgency, okay na. We do not need weapons that could fight other countries because we do not have it — the arms — and we do not want it.”
May arms depot aniya ang mga puwersang Amerikano sa iba’t ibang parte ng bansa kaya magiging target tayo ng kalaban ng US sa panahon ng digmaan.
“Ang unang matamaan, ang Filipinas. Kasi nandito ‘yong base, nandito ‘yong mga armas nila. The arms are stored everywhere in the Philippines, baka hindi n’yo alam. May mga depots all around the Philippines where the arms are.”
Tiniyak ng Pangulo na kapag nakakuha siya ng impormasyon na may nakatagong nuclear arms ang US sa Filipinas , palalayasin niya ang mga tropang Amerikano at tutuldukan niya ang VFA.
“Sinabi ko sa kanila, I cannot stop you because we have yet to renegotiate the Visiting Forces Agreement. But I am warning you that if I get hold of a hard information that a nuclear armaments are here brought by you, I will immediately ask you to go out and I will terminate the Visiting Forces Agreement ora mismo.”
Ang nuclear arms ang pangatlong rason na ibinigay ng Pangulo para wakasan ang VFA, una ay nang kanselahin ng US Embassy noong 2020 ang visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa masamang human rights record nito bunsod ng drug war at ang ikalawa ay noong nakalipas na Disyembre kapag nabigo ang US na ihanda ang 20 milyong doses ng bakuna contra COVID-19 para sa bansa.
(ROSE NOVENARIO)