ni ROSE NOVENARIO
WALANG silbi ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng Filipinas dahil hindi niya planong ipatigil ang pagpuslit ng bakuna kontra CoVid-19 at illegal na paggamit nito ng kanyang mga kaalyado at ng Presidential Security Group (PSG).
“As far as the PSG is concerned, the President has been clear, there should be no questions anymore about the PSG because the PSG acted out of self-defense and out of necessity. Full stop!” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.
“As far as Mon Tulfo is concerned, he clarified, he is no longer special envoy to China. He is a private citizen so he can do as he pleases; and the President is not in position to compel him to do anything, the President does not have subpoena powers,” dagdag niya.
Ang pahayag ni Roque ay tugon sa rebelasyon ni special envoy to China at Manila Times columnist Ramon Tulfo na naturukan siya, ilang matataas na opisyal ng gobyerno, at mga miyembro ng PSG ng smuggled CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm kahit wala pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
“I just got hold of the vaccine from from a friend who smuggled it into the country,” ani Tulfo sa panayam sa One News kamakalawa.
Iginiit ni Roque, hindi pulis o ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pangulong Duterte kaya bahala na ang mga naturang ahensiya sa isyu kung iimbestigahan ang mga isiniwalat ni Tulfo.
“The President is a President, not a policeman, not an NBI agent. We leave that to the police and to the NBI,” dagdag ni Roque.
Sa kabila ng tila pagbalewala sa mga pahayag ni Tulfo na hayagang may paglabag sa batas, nagbabala si Roque sa publiko na mananagot ang sinomang magbebenta ng donasyong bakuna.
Darating na aniya sa Linggo ang 600,000 doses ng Sinovac made CoVid-19 vaccine na donasyon ng China.