Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mag-asawang hunyango sa institusyong pang-relihiyon

The greatest deception men suffer is from their own opinions.

 — Leonardo da Vinci

 

PASAKALYE

Hayaan n’yo po munang batiin ko ng maligayang kaarawan ang dalawa kong mahal na kaibigan na sina Pat Sigue (21 Pebrero), Boyet Lecgadorez (22 Pebrero) at Itchie Cabayan (28 Pebrero). Nawa’y humaba pa ang inyong buhay, maging msaya sa pamumuhay at dumami pa ang inyong lahi…

***

NAGBABALA ang Department of Tourism (DOT) laban sa mga lalabag ng ipinaiiral na travel protocols at may mabigat na dahilan para rito: anim na turista mula sa Maynila ang nagsumite ng mga pekeng CoVid-19 test result na nagpakitang sila’y negatibo sa sakit kaya nagawa nilang makapasok sa isla ng Boracay nitong nakaraang Enero.

Sa ginawa nilang panlilinlang, pinatawan sila ng kasong falsification of public documents bukod sa paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, na nagpaparusang multa na umaabot sa P50,000 o pagkakakulong ng hanggang anim na buwan, o pareho.

Bigla ko tuloy naalala ang ganitong gawain ng isang kompanya sa Makati. Dahil ang kanilang negosyo ay may kinalaman sa virtual conference at live streaming ng iba’t ibang events o aktibidad, pinepeke din ang mga test result ng kanilang mga tauhan para makapag-comply sa requirement ng kanilang kliyente na magsumite sila ng patunay na negatibo ang kanilang mga kawani sa CoVid-19 at sila’y patuloy na makapagtrabaho.

Ang kakatwa rito, parehong ipinagmamalaki ng mag-asawang may-ari ng kompanya na sila’y debotong mga Kristiyano at miyembro sila ng pinaparangalang simbahan sa Taft Avenue sa Maynila, na pinapangasiwaan ng mag-asawang pastor.

Requirement din ng mag-asawa na mabautismohan ang sinuman sa kanilang empleyado at kailangan din silang dumalo sa mga ‘bible study’ at iba pang gawain ng kongregasyon para umano’y maging mabuti sila at kaaya-aya sa paningin ng Diyos.

Ang totoo, sa ganitong mga uri ng mapanlinlang na mga tao, ang tanging ipinagmamalaki ay kanilang pagiging tapat sa Diyos, malaki at mas lalo akong nagdududa sa kanilang tunay na pagkatao dahil hindi dapat ipagmayabang o ipakita sa madla ang iyong pagiging Kristiyano — ito ay ginagawa at ipinaparamdam at hindi kailangan patunayan sa pamamagitan ng pananalita at mapagbalatkayong kilos.

Kung tutuusin, ang mag-asa­wang sinasabi ko’y tiyak na lalabas ang tunay na pagkatao sa sandaling mabasa nila ang pitak na ito — na sila’y parang mga hunyango na nagpapalit ng kulay ng balat at anyo para lang pumabor sa kanilang mga paniniwala, pagnanasa at pag-uugali.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *