Sunday , December 22 2024
arrest prison

NICA, NCRPO pinagpapaliwanag sa sunod-sunod na panghubuli sa mga Muslim

PINAGPAPALIWANAG ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ang National Capital Region Police Office (NCRPO) patungkol sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga Muslim sa Cavite at sa Metro Manila.

Ayon kay Hataman nararapat na maimbes­tigahan ng Kamara ang mga insidente ng paghuli sa mga Muslim.

“Epekto na ba ito ng Anti-Terror Law? O insidente na naman ba ito ng matinding diskrimi­nasyon laban sa mga Muslim?” tanong ni Hataman.

Duda ni Hataman, dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nagkakaroon ng pag-abuso sa Anti-Terrorism Law, partikular sa mga Moro.

Giit ni Hataman, dapat magpaliwang ang NICA at ang NCRPO sa ‘warrantless arrests’ at pagdetine sa 11 katao sa loob ng isang construction site sa Bacoor, Cavite noong 17 Pebrero.

Aniya, hangang ngayon ay hindi pa nalalaman kung nasaan na ‘yung mga hinuli, na pito sa kanila ay pawang mga Muslim.

“Ito na po ba ang kinatatakutan nating mga pang-aabuso sa ilalim ng Anti-Terror Law? The NICA and NCRPO should clarify the arrests, produce the 11 individuals and inform their families of what happened. Marami sa kanila ay taga-Basilan, sa lalawigan namin,” ani Hataman.

“If they were arrested on suspicion of terrorism, then they should let us know. Hindi po ‘yung hanggang ngayon, hindi mahanap ng opisina namin kung nasaan sila. They are my constituents, and they deserve legal aid or assistance to protect their rights under the law, inosente man o hindi,” dagdag niya.

“Parang Martial Law naman ito. Nag-aresto without warrant, tapos wala man lang pasabi sa mga kaanak at pamilya. Kung ikaw ang kapamilya nila, napakasakit n’yan para sa iyo,” dagdag ng mambabatas.

Ang mg ulat na dumating sa opisina ni Hataman ay nagsasabing nagkaroon ng joint operation ang NICA at NCRPO sa Yuxing Construction Site sa Barangay Mambog IV, Bacoor City noong 17 Pebrero 2021 bandang 2:00 am. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *