Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Rapist huli sa Malabon

“SA TOTOO po niyan, talaga pong nagmama­halan kami  at wala pong nangyaring rape.”

Ito ang sinabi ng ika-9 sa ten most wanted person (TMWP) makaraang maaresto kamakalawa ng umaga sa Malabon City dahil sa kinakaharap na kaso sa kanilang probin­siya.

Kinilalang si Geraldo  Magbanwa, Jr., 21 anyos, factory worker, at residente sa Block 13 Lot 6 Paros St., ng nasabing lungsod at tubong Barangay Ubo, Balod Masbate City.

Batay sa ulat ni P/Capt. Ferdinand Espiritu, dakong 10:00 am nang madakip ang suspek sa tinitirahan nitong bahay sa Malabon.

Bitbit ng mga tauhan ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ang mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Ave A. Zurbito-Alba, Regional Trial Court Branch 48, laban sa suspek.

Sa record ng korte, apat na ulit ginahasa ng suspek ang biktimang 16-anyos na itinago sa pangalang May (hindi tunay na pangalan) kaya nahaharap sa apat na bilang ng kasong rape sa Balod, Masbate City.

Maluha-luhang sinabi ng suspek nang makapanayam, walang rape na nangyari dahil magsiyota sila ng noo’y 16-anyos biktima pero sa simula pa lamang umano ay tutol sa kanilang relasyon ang mga magulang ng dalagita.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …