Thursday , December 19 2024
Si boxing icon Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na nagdarasal kasama ang asawang si Jinkee sa prayer worship na ginanap sa P6.7-milyong simbahang ipinatayo ng Pinoy champion sa General Santos City, South Cotabato.

Pacquiao sinabihan ng Diyos tumigil na sa boxing

MANILA—Maaaring nabigo ang ina ni Manny Pacquiao na kombishin ang kanyang anak na magretiro na sa boxing, ngunit sa masasabing divine intervention, inihayag ng eight division world champion na ang Diyos mismo ang nagsabi sa kanya sa isang panaginip nitong nakaraang Enero ng taong kasalukuyan na baguhin ang kanyang pamumuhay at ikonsidera ang maagang pagtigil sa boxing.

Sinabi ni Pacquiao, na itinuturing ng kanyang fans bilang pinakamahusay na pound-for-pound fighter sa daigdig, nagpakita sa kanya ang Diyos sa isang pangitain at hiniling na magretiro na siya.

“I will not stay long in boxing because He said: ‘You have done enough. You have made yourself famous but this is harmful,’” paggunita ni Pacquiao mula sa kanyang panaginip.

Noong 2009 pa lang ay hinihiling na ng ina ng senador na si Aling Dionesia na itigil na ang pagba-boxing para makaiwas sa karagdagan pang injury dahil wala na naman siyang kailangan pang patunayan bilang boksingero at opisyal ng bansa.

At sinasabing ang paboritong anak, na nagwagi ng walong titulo sa walong division ng boxing at hinirang na Fighter of the Decade, ay tutugunin ang kahilingan ng ina — ngunit nakalinya pa rin ang ilan pang mga laban ng beteranong boxing promoter na si Bob Arum, na nakilala sa malalaking labanan tulad ng Marvin Hagler-Roberto Duran title fight noong 1983 at tanging si Don King lamang ang karibal.

Sa 9 Hunyo ngayong taon, muling titindig sa boxing ring ang Pambansang Kamao para itakda ang kanyang korona sa welterweight ng World Boxing Organization (WBO) kontra sa Amerikanong  light welterweight challenger na si Timothy Bradley sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

At sa puntong ito, isang bagong Pacquiao ang lilitaw—na iwinaksi ang mga bisyo at nangangaral mula sa Biblia. Nang tanungin kung ang kanyang mataimtim ngayong pananampalataya sa Diyos ay makaaapekto sa kanyang husay sa boxing, tumugon si Pacman: “I will do my work inside the ring.”

Nangangahulugang buong puso niyang sasagupain ang walang talong si Bradley, na walang duda ay nasa rurok ng kanyang galing sa edad na 28 at may panalong 28, at isang draw.

Ayon sa 33-anyos na si Pacquiao, ay hawak ng 54-3-2 record, naniniwala siyang pinili siya ng Diyos para gamitin ang kanyang katanyagan sa pagpapalaganap ng Banal na Aral sa mga Kristiyano.

“When I speak, a lot of people listen,” ani Pacquiao.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *