Saturday , November 16 2024
dead

Nawawalang DSWD employee natagpuang patay sa Bulacan

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 30-anyos empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakasilid sa isang sakong inabandona sa isang talahiban sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo, 21 Pebrero.

Kinilala n P/Col. Julius Alvaro, hepe ng SJDM city police, ang labi ng biktimang si Justine Charles Accad III, tubong Zamboanga at residente sa lungsod ng Marikina.

Ayon sa mga imbestigador, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng biktima habang itinali ang kanyang mga kamay sa kanyang mga paa gamit ang kable.

Natuklasan ng isang basurero ang katawan ng biktima dakong 3:00 pm noong Linggo sa Brgy. Kaypian.

Anang pulisya, hinalughog ng basurero ang sako dahil sa masangsang na amoy na nanggaling mula rito.

Ayon kay Alvaro, nawawala si Accad noong pang Biyernes, 19 Pebrero, at huling nakitang umalis ng kanyang bahay patungo sa kanyang trabaho sa San Juan City Hall sakay ng kanyang kulay abong Honda Civic.

Positibong kinilala ng buntis na kinakasama ng biktimang si Jessa Muncada, at kanyang kapatid na si Jessica Accad, ang labi ng biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *