Saturday , November 16 2024

Ilegal na ‘Run, Sara, Run’ tarpaulin sa Cebu ipinatatanggal

IPINAG-UTOS ng isang opisyal ng lungsod ng Cebu ang pagtatanggal ng mga tarpaulin na ikinabit sa ilang mga kalye at kalsada sa siyudad na nag-uudyok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang pangulo.

Ayon kay Florante Catalan, hepe ng Cebu City Office of the Building, walang natanggap ang kanilang opisina na anomang aplikasyong nagpapaalam na magkabit ng streamer o tarpulin mula sa “Friends of Sara” o “Run Sara Run.”

Ang Office of the Building ang namamahala at nagtitiyak na masusu­nod ang National Building Code.

Sa paglalagay ng mga poster, streamer, at tarpulin, kinakailangan magpaalam muna sa naturang tanggapan na nakasailalim sa ordinansa ng lungsod.

Dagdag ni Catalan, uutusan niya ang tangga­pan ng Prevention Restoration Order Beautification Enhance­ment na tanggalin ang mga ilegal na tarpaulin na nakasabit sa elevated walkways na hindi bababa sa apat na magkakaibang lokasyon sa lungsod.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *