Monday , November 18 2024

Cardinal Tagle itinalaga bilang tagapangasiwa ng Vatican assets

VATICAN CITY, ROME — Sa masasabing pagpapakita ng tiwala sa Filipino Cardinal, pinamumunuan bilang kasalukuyang prefect ang Congregation for the Evangelization of Peoples o Propaganda Fide sa Batikano, muling itinalaga ng Santo Papa Francis si Cardinal Luis Tagle sa bagong posisyon sa Simbahang Katoliko — ngayon bilang bagong miyembro ng Administration of the Patrimony of the Holy See na siyang nangangasiwa sa assets ng simbahan.

Kasabay nito, itinalaga din ng Papa si Ghanian Cardinal Peter Turkson sa nasabing puwesto para makasama ni Tagle bilang miyembro ng nasabing administrasyon.

Sa bago niyang appointment, binati ng mga Katolikong Pinoy si Tagle sa mainit na papuri para ipakita ang kanilang matibay na suporta sa dating Arsobispo ng Maynila.

“Proud to be Filipino! The Holy Father has once again appointed Luis Antonio G. Cardinal Tagle (to a key post), this time as a member of the Administration of the Patrimony of the Apostolic See. Thank you so much, Holy Father, for the trust and confidence that you have given to our beloved Cardinal Chito,” wika ng Catholic group na kung tawagin ay “A Church in Action” sa kanilang social media post.

Chito ang palayaw ni Cardinal Tagle na kadalasang tawag sa kanya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kabilang sa mga bagong responsibilidad ni Tagle ang pangangasiwa ng assets ng Simbahang Katoliko sa buong mundo, kasama ang mga obra maestrang nalikom nito sa Vatican at iba pang mga lugar.

Naniniwala ang ilang mga Pinoy na mananampalataya, ang bagong appointment ni Tagle ay pagpapakita ng tiwala ni Papa Francis sa kanya dahil walang interes ang Cardinal sa mga materyal na bagay kaya naniniwala siyang mapapangasiwaan ni Tagle ang assets ng Vaticano sa lubos na kakayahan nito.

“Pope Francis knew Cardinal Chito’s simplicity and that he is not attached to material things and money. These qualities are essential in someone who manages church assets and properties. Detachment is important in making correct decisions,” punto ni Mario Sarmiento ng Maynila sa panayam ng Union of Catholic Asian News (UCA News).

Inalala ni Sarmiento kung paano nagsimula si Cardinal Tagle sa kanyang ministeryo bilang pastor sa Imus, ang bayang kapwa nila kinalakihan sa lalawigan ng Cavite.

“He used to ride a bike going to the seminary where he taught. Even when he became a bishop, he rode a bus. He even said in one of his homilies that he wore the same watch his parents gave him when he was young… this is the kind of simplicity that we as a church need today,” pagtatapos ng kababata ni Tagle.

(Kinalap ni TRACY CABRERA)

 

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *