Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KADALASANG pinagbabalingan ni Shirlyn Ligue ang archery bilang pangontra sa stress na dala ng pagiging isang guro. (Larawan mula kay Shirlyn Ligue)

Pagmintis at talento, puhunan ng Pinay grade school teacher sa World archery

Kinalap ni Tracy Cabrera

DAVAO CITY, MINDANAO — Para sa grade school teacher na si Shirlyn Ligue, talento lang ang lagi niyang inaasahan gayon man ay napatunayan niya na isa siyang puwersang dapat bantayan sa katatapos na Archery World Series online.

Pero para kay Lique ang kanyang nagawa ay nagmula lang sa simpleng desisyong maging mahusay sa kanyang kinahiligang sport.

“I just have to challenge myself… and in archery I get the mental training. It’s my stress reliever,” saad ng ginang. Kasal siya sa isang kasamahang archer din na si Efren Ligue.

Makaraan ang kanyang breakthrough finish sa Indoor Archery World Series online, maaaring natagpuan na ng 30-anyos na tubong-Davao City ang kanyang tunay na “calling.”

Nitong nakaraang linggo, inagaw ni Ligue ang pansin ng kanyang mga teammate nang sungkitin niya ang medalyang pilak sa women’s bare bow category.

“I just wanted to place and bring honor to the country as well as my club Davao Archery Club,” wika ng Davaoeña.

Nagtuturo siya ng Technology and Livelihood Education (handicraft, cookery at dressmaking).

“I wasn’t thinking of the record that much,” kanyang pagpapatuloy.

Ayon kay World Archery-Philippines secretary general Rosendo Sombrio, laganap na popularidad ng bare bow — isang uri ng archery na kaiba ang panang ginagamit sa popular compound at recurve — sa mga Pinoy sports fans.

“It’s included in our program. Bare bow is one of events in Philippine Archery Cup,” aniya.

Samantala, inamin ni Ligue na dalawang oras lang siya nagsasanay sa araw-araw.

“I feel I could have done better with longer training hours and proper regimen,” aniya.

Bukod dito, hindi rin kinailangan ng Pinay ang mga high-end na kagamitan na alam naman ng karamihan ay lubhang mamahalin.

“Shirlyn proved that she can do it; she has the passion to succeed. In the competition, she used only the basic equipment, several of them second-hand and cheaply made in China,” inihayag ng coach ni Ligue na si Jonathan Josol. (TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …