HANDA nang magpaturok si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng bakunang Sinovac, ng Beijing-based biopharmaceutical company.
Kasunod ito nang pag-aproba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization o EUA ng naturang bakuna.
Agad nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde kasama ang buong Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan upang ihayag ang kanyang kahandaan para sa rollout ng unang bakuna na available sa lungsod.
“Anoman ang bakuna, basta sertipikado at may EUA ng FDA, gagamitin natin. May karapatan kayong maging choosy. Puwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin,” ayon sa alkalde.