BINISITA ng team ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Secretary William Dar kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa pamumuno ni Governor Albert Garcia nitong Biyernes, 19 Pebrero, ang dalawang model farm ng high value crops diversification and modernization program ng mga clustered small rice farmers sa bayan ng Dinalupihan, lalawigan ng Bataan.
Ito ang mga pilot farm na ginamitan ng maayos na irigasyon o patubig sa ilalim ng proyektong “10 Magsasaka, 10 Ektarya, Tungo sa Masaganang Ani at Mataas na Kita” sa ilalim ng 1 Bataan Agri Inno Tech Corporation, isang Private-Public Partnership (PPP) ng lalawigan ng Bataan.
Binisita ng DA team ang taniman ng mga pinya, niyog, kape, at iba pang mga pananim na kabilang sa high value crops sa model farm sa bayan ng Hermosa, sa nabanggit na lalawigan.
(RAUL SUSCANO)