Saturday , November 16 2024

Roque ‘no comment’ sa ‘pseudo rescue operation’ ng PNP (Sa Lumad Bakwit School)

ni ROSE NOVENARIO

NAUMID ang dila ni dating human rights lawyer at ngayo’y Presidential Spokesman Harry Roque sa mass arrest ng Philippine National Police (PNP) sa 25 Manobo students, elders, at teachers sa University of San Carlos Retreat House sa Cebu.

Tumanggi si Roque na magbigay ng komento sa naturang insidente dahil naganap aniya ito sa malayong lugar at kahit binatikos ang mga pulis sa ‘pseudo rescue operation’ ay ipinauubaya sa kanila ang pag-iimbestiga.

“Ang problema sa mga aktuwal na mga pangyayari doon sa malayong lugar gaya ng Cebu e ipinauubaya na po natin iyan sa ating mga (ka)pulisya(n) ‘no. This is a police investigation, let them do their investigation and I understand na mayroon na rin pong mga kasong naisampa ang mga (ka)pulis(an) for illegal detention among others ‘no,” sabi ni Roque.

“Iyan po ay nasa kamay na ng ating huku­man at mga awtoridad, ‘antayin na lang po natin na sila ang magdesisyon. It’s a finding of fact po and a finding of law at napakahirap pong magkomento dahil wala naman po tayong investigative powers. Let’s leave it to our police and let’s leave it to our courts,” dagdag niya.

Nauna rito’y kinondena ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang marahas na pagsalakay ng mga elemento ng PNP Cebu Regional Office sa University of San Carlos – Talamban Campus na pansamantalang loka­syon ng Lumad Bakwit School.

Noong 15 Pebrero 2021, nagsagawa ng bayolenteng ‘rescue operation’ sa mga menor de edad na umano’y kinindnap ng mga prgresibong grupo.

“This intrusion of the PNP is clear manifestation of this government’s disregard to the rights and lives of our indigenous peoples, especially the Lumad children who are already under constant and intense distress since they have been uprooted from their ancestral lands on several occasions,” pahayag ni Bishop Reuel Marigza, General Secretary ng NCCP.

Hindi aniya unang pagkakataon na ginawa ito ng PNP dahi naranasan rin ito ng mga Lumad na nagtago sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran Center sa Davao.

Sa kagustohan na manatili sa isang mas mapayapang lugar, malayo sa inokupa ng military na ancestral land nila, walang ibang mapagpilian ang mga Lumad kundi tumakas at magtungo sa mga lugar na ligtas ang kanilang pakiramdam.

Giit ni Bishop Marigza, hindi katanggap-tanggap para sa mga simbahan na makita ang walang habas na pag-atake ng pamahalaan sa buhay at komunidad ng  mga Lumad.

Ang Lumad Bakwit School ay itinatag aniya bunsod ng kolektibong tugon para sa indigenous people na nakararanas ng maigting na militarisa­syon at land grabbing sa mga pamayanan ng Lumad sa Mindanao.

Itinayo ang Bakwit Schools ng elders ng mga komunidad, NGO, at simbahan upang isulong ang Karapatan sa edukasyon ng mga kabataan.

“NCCP firmly believes in the inherent worth and dignity of children. They are God’s gift and are valuable members of the human family. Thus, the NCCP upholds its commitment to protect and defend children’s rights,” ani Bishop Marigza.

Ang bayolenteng raid sa Cebu ay nagpakita aniya na walang patumanggang pag-atake ng gobyerno sa pambansang minorya at paglabag sa kanilang mga karapatan sa kabila ng ilang dekadang pakiki­pag­laban ng Lumad para sa kanilang buhay, edukasyon at ancestral land.

Kaugnay nito, mag­sasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Naglaan si Deputy Speaker Mikee Romero ng P500,000 legal defense fund para ipagtanggol ang mga ilgal na ikinulong na Lumad students at teachers.

“I have here the curriculum of that school itong bakwit school. Itong curriculum na ito is geared towards teaching them… English, Science. They are a bonafide school… Hindi puwedeng inculcation of any ideology because they’re regular grade 2 to grade 12 students,” paliwanag ng mamba­batas.

“Kompleto ako ng mga detalye kung ano ang itinuturo sa kanila araw-araw. I have all the proof,”giit ni Romero.

Tinawag ni Deputy Speaker Benny Abante na unconstitutional ang pag-aresto ng mga pulis sa mga Lumad.

“Dalawang guro ang ikinulong, dalawang datu at 3 grade 12 estudyante ng CTCSM (Community Technical College of South-eastern Mindanao) ang ikinulong nila.

Si Chad Booc ay matagal na naming volunteer teacher, isa rin siya mga petitioner laban sa Anti-Terror Law,” pahayag ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *