Saturday , November 16 2024

Indemnification agreement nilagdaan ng PH sa Pfizer at Astrazeneca

KINOMPIRMA ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na lumagda sa indemnification agreement ang Filipinas sa pharmaceutical companies na Pfizer at AstraZeneca.

Ito’y bahagi ng requirement para mai-deliver sa bansa ang mga bakuna kontra CoVid-19 mula sa COVAX global facility.

“Para sa pinaka­bagong balita tungkol sa COVAX facility, ang una po nakapirma na po at naisumite na po natin ang mga requirement kasama po rito ang indemnification agree­ments para sa Pfizer at AstraZeneca, so napirma­han na po namin iyon,” ani Roque sa Laging Handa public briefing kahapon.

“Ikalawa, ikina­katuwa natin na nabigyan ng WHO ng Emergency Use Listing o EUL ang AstraZeneca, napaka­gandang balita po iyan. Iyong AstraZeneca po kasama po iyong gina­gawa po ng Covishield sa SII at ang isa po rito ginagawa sa South Korea. Sa pamamagitan nito ay puwede na pong maka­pagpadala ng bakuna rito sa ating bansa ang AstraZeneca through COVAX facility.”

Ginawaran aniya ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa Pfizer sa ilalim ng COVAX donation habang ang para sa AstraZEneca ay ‘ongoing’ ang pag-aproba .

Tiniyak ni Galvez, handang-handa ang Filipinas para sa pag­dating ng 117,000 doses ng Pfizer CoVid-19 vaccine.

Kaugnay nito, kinom­pirma ni  Dr. Mary Antonette Remonte, Acting Senior Manager ng PhilHealth Benefits Development and Research Department, na kasado na ang compensation package para sa makararanas ng side effects o severe reactions sa CoVid-19 vaccine.

“Ang pinag-uusapan na lang po ay ‘yung kung ano ‘yung final amount doon sa mga kailangang alagaan sa ospital ‘pag nagkaroon ng reactions sa vaccine,” ani  Remonte sa panayam sa CNN Philippines.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, may reserve fund na P116 bilyon at P5.3 bilyon net income noong 2020 ang PhIlHealth kaya’t hindi kailangan bigyan ng dagdag na P500 milyon ang ahensiya para magsilbing indemnification fund.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *