Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LoiNie sa kung sino ang mas matindi ang love: Mahirap kung one sided at isa lang ang nagbibigay

ANG magka-loveteam at magkasintahang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang naging panauhin ni Erich Gozales sa kanyang Youtube channel kamakailan. Isa sa tanong ni Erich sa dalawa ay kung sino ang unang nagti-text everyday.

Ang sagot ni Loisa, siya. ”Feeling ko, ako ang nauuna.’Pag tini-text ko siya ng 8:00 a.m., 9:00 a.m. or 10 a.m. na siya nagri-reply.”

Na ayon naman kay Ronnie, kaya late ang reply niya ay dahil late na siyang nagigising. Lagi kasi siyang puyat sa kasi-cell phone sa gabi.

Natanong din sa kanila kung sino ang mas matindi ang pagmamahal sa isa’t isa. Sabi ni Loisa, sa estado nila ngayon, pakiramdam niya ay parehas lamang na matimbang ang pagmamahal na ibinibigay nila. Mahirap kasi kung ang relasyon ay one-sided at isa lang ang nagbibigay.

“Kasi feeling ko ‘yun ‘yung mahirap eh,… ‘yung ‘pag may naramdaman mo na ‘Ha? Ako na lang ‘yung nagmamahal ha’. Pero ngayon sa ’min nararamdaman ko naman na it’s a tie,””  paliwanag pa niya.

Gayunman, hindi ikinaila ni Loisa na dati ay mas expressive siya pagdating sa pagpapakita ng kanyang affection.

Ayon pa sa dalaga, kapag nagmahal ang isang tao, dapat ay iniisip din niya ang sarili.

“‘Yan ang perfect. Dapat nagtitira sa sarili.”

Nang tanungin naman si Ronnie kung nakikita ba niyang sila na ni Loisa ang magkakatuluyan, ang sagot niya, ”Sa totoo lang, ako sasagutin ko, kahit sabihin kong oo, hindi mo rin naman talaga masasabi. Pero hangga’t kayo, iparamdam mo sa kanya na siya na talaga ‘di ba?”

Hirit naman ni Loisa, makatutulong na may kongkretong plano rin sa pakikipagrelasyon.

“So dapat ‘pag papasok ako sa isang relasyon, gusto ko talaga may plano, hindi ‘yung basta parang jowain lang kita para may jowa ako. Hindi ‘yung ganoon. Iba rin ‘yung nagre-ready kayo para sa future ninyo.” 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …